Chapter 24: Hurt

159 6 0
                                    

Mariah Elise's POV

Tumayo na kami para umalis ni Heaven

"Nja.. we'll be go--" O_O

Hinila ako ni Kian palabas ng resto, sinubukan akong habulin ni Heaven pero nahawakan sya nila Thristan at Christian..

Wait ba't parang galit si Kian, kung mahila nya ako wagas

"W-wait K-k-Kian.. are you okay?? W-what's happening?" Bigla syang huminto at itinulak ako sa pader, isinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko

"I'm not okay..! Why Elise? Bakit?" Mahinahong sabi nya na sa tono ng boses nya ay nasasaktan sya

"K-kian??.."

"Bakit Elise, bakit? Bakit si Heaven?" Itinaas nya na ang ulo nya mula sa balikat ko at humarap sa akin, naiiyak sya na ewan pero kitang kita mo sa mga mata nya na nasasaktan sya

"Ano bang problema ha?!"

"Elise.. kung wala si Heaven.. ako ba ang mamahalin mo?" Nagulat ako nung sinabi nya yun nung inilagay nya ulit yung ulo nya sa balikat ko..

Parang iba yung pakiramdam ko, sa pagsabi nyang yun parang kung ano yung tumama sa puso ko..

"K-kian ano bang sinasabi mo jan?"

"Elise.. bata palang tayo.." parang naiiyak na sabi nya

"Huh?" Nagtatakang tanong ko

"Bata palang tayo, mahal na kita... hanggang ngayon Elise mahal parin kita..!!" Pasigaw na sabi ni Kian.. Gulat na gulat ako nung nabanggit nya yun

"Lagi akong nasa tabi mo, Elise, di mo ba ako minahal, alam kong mahal mo din ako, pwede ka pa naman mag backout sa relationship nyo ni Heaven eh.." palokong sabi nya pero halatang seryoso sya ta nasasaktan sya

"K-kian wag ka naman mag joke ng ganito" itinaas nya yung ulo nya at tumingin sya sa akin ng deretso

"Ngayon mong sabihin na niloloko lang kita.." nakatitig ako sa mata nya at seryoso nga sya

"Elise.. mahal mo din ako diba..."

"Kian..."

Nakatitig padin sya sa akin

"Kian, oo mahal kita.. pero hindi kagaya ng iniisip mo, mahal kita bilang kaibigan at para na rin kitang kapatid, sorry Kian, but I can't return your feelings, mahal ko si Heaven, I'm sorry" habang sinasabi ko yun tumutulo na yung luha ko kasi kita mo sa mata ni Kian na nasasaktan talaga sya

"Elise.." onti onting tumulo ang luha nya

"Elise, lagi akong nasa tabi mo pero kahit kailan di mo ako natutunang mahalin? In good times and bad times I'm there for you.. whenever you needed me I'm there for you, but why?" Wala nang tigil ang pagtulo ng luha nya at nanginginig ang kamay nya na nakahawak sa mga balikat ko

"Kian.. I know, but I do love you, as a brother.." umiiyak na kaming dalawa dito.. pinunasan nya ang luha ko at pinunasan nya din ang luha nya, at pilit na ngumiti sa akin

"I'm happy to hear your feelings Elise, masyado nang madrama nakakabakla na, le-le-let's, letse!!" At umiyak sya ulit..

"Balik na tayo sa loob" at ngumiti na sya pagtapos nyang magpunas ng luha nya.. pagpasok ko sa loob nakaupo doon si Heaven kasama si Thristan at Christian

"Chris, Thris ihatid nyo muna si Elise, iwan nyo muna kami ni Heaven dito.."

"Halika na Elise, hatid ka na namin" lumabas na kami at tahimik lang sila Thristan at Christian, sumakay na ako sa sasakyan ni Christian nasa likod ako at nasa harap si Thristan, sumabay lang kasi sya kanina

Nung pinaandar na ni Christian yung sasakyan nya nakatingin lang ako sa labas

'kung wala si Heaven ako ba ang mamahalin mo?'

'lagi akong nasa tabi mo'

'Di mo ba ako natutunang mahalin?'

'Bata palang tayo mahal na kita'

Di ko na namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.. tuwing naaalala ko yung itsura kanina ni Kian, nung umiiyak sya, yung sakit na nararamdaman nya.. di ko alam pero nasasaktan ako.. arrrggghhh!!! Ano ba?!!

Kian Charles's POV

Pagkaalis nila Elise lumapit ako agad kay Heaven, tumayo din sya at lumapit sa akin

*BOOOOGGGGSSSHHH*

Sinapak ko sya..

"T^ngna mo Heaven!! Di ka marunong tumupad sa usapan!!" Tumayo sya at sinapak ko ulit

"Fvck you!! Kung alam ko lang di na kita pinagka tiwalaan!!" Sinapak ko sya

Sasapakin ko sana sya ulit kaso nakaiwas sya

"Wala dre.. nadala lang ako ng feelings ko.."

"Pwes ngayon pag nabasag yang mukha mo.. NADALA LANG DIN NG FEELINGS KO!!"

Sasapakin ko na sana sya nang may humawak sa braso ko

"Dre.. tama na yan, baka mapatay mo pa yan.. Umuwi ka na nga Heaven.." pinilit kong makawala sa pagakahawak sa akin nila Jeramie at Jonas

"Dre.. dre.. Kalma!!" Sigaw ni Jonas

"Bro!! Easyy!! Makakapatay ka ng tao eh.. Kalma!!" Sigaw din ni Jeramie

"Sumuway sya sa usapan!! Bitawan nyo ako hahabulin ko sya.."

"Bro!! Tama na.. kahit naman di nya sabihin feelings nya alam naman na natin na mahal sya ni Elise diba?! Dati pa bro!! Bayaan na natin sila!" Natauhan naman ako doon sa sinabi ni Jonas

Oo alam ko matagal na pero pwede pa naman mabago yun diba.. mahirap lang talaga kasi tanggapin eh..

yung mawawala sayo yung taong mahal mo ng isang iglap..yung mawawala ka lang ng ilang araw nawala na sya sayo bigla.. hindi ba ang sakit non.. kung nasabi ko ba yung feelings ko nung gabing yun may mababago ba? Tangna dapat nasabi ko na nun eh.. di sana ganto!!

Dumating sila Thristan at Christian

"Dre.. kailan pa?!" Tanong ko sa kanila

"Kahapon lang namin nalaman bro.. sorry.. di namin sila nabantayan.. sorry bro.." sabi ni Thristan

"Bro.. mag move on ka na..masaya naman na si Elise sa kanya eh.. move on ka na.. masyado ka nang umasa, ikaw lang din masasaktan pag patuloy ka pading umasa.." sabi ni Christian

"Tangna!! Ganon lang ba kadaling mag move on bro!! Bata palang kami.. alam kong alam nyo na yun.. di ganon kadali mag move on.. kung araw-araw ko sila nakikitang magkasama, pano ako makamove on..!" Sigaw ko sa kanila na may onti-onting tumutulong luha sa mata ko

"Ang drama mo dre! Edi magpakalayo ka!!" Sigaw ni Jonas

Tama kung lalayo ako makakamove on ako..

Di ko parin matanggap kasi ang sakit talaga..

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon