Chapter 18: Trip

190 10 0
                                    

Nakapasok na kami sa eroplano, sa tabi ako ng window seat, walang tao dito, isang flight attendant lang, private plane ih kaya, ang peaceful, tahimik he.. char

Isinuot ko yung jacket ko tsaka yung neck pillow ko, FYI yung upuan dito parang higaan, naitataas yung sa paa, may kumot, may unan, medyo malaki, kaya nag satisfying hehe..

Umandar na yung eroplano.. and then... whooshh, lumipad na..! Pagtingin ko sa baba parang langgam na may ilaw yung mga bahay sa baba, ang cute nga eh.. humiga na ako kasi nadala na din ako ng antok ko

"Kian tulog na ako ha.."

"Sige sleep tight" sinuot nya headphones nya tapos humiga na din sya..

Onti onti pumikit yung mata ko.. zzzZzzz

Kian Charles's POV

Natulog na si Elise, syempre medyo matagal yung byahe kaya sleep sleep muna, nakahiga ako tapos nakikinig sa music.. ang ganda kasi ng tug tog eh

Migraine by Moonstar 88

🎵'Oo nga pala hindi nga pala tayo, hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasayo'🎵

shet parang natamaan ako doon ah

Napaupo ako tapos napatingin ako kay Elise, maamo ang mukha nya sobraa, kahit masungit itong babaeng to mahal ko to, ayiieeuut, kinikilig ako, potek nakakabakla hahaha..

🎵'Asan ba ko sayo? Aasa ba ako sayo?' 🎵

Nakatingin padin ako sa kanya, napabulong ako sa sarili ko

"Nasa puso mo ba ako Elise? Aasa ba ako sayo? Mahal mo ba ako? O kaibigan mo lang talaga ako? Kung nasabi ko kaya sayo yun tatanggapin mo ba? Mahal mo pa ba si Heaven? Sana naman nakalimutan mo na sya.. lagi akong nasa tabi mo sana naman mapansin mo ako, mahal kita Elise, mahal kita.." nanggigilid na yung luha ko, di ko alam pero mahal na mahal ko talaga si Elise, bata palang kami, oo gusto ko na sya, mahalaga sya sa akin kaya inisang tabi ko muna yung feelings ko.. nakatulala padin ako sa maganda nyang mukha

*kring kring*

"Ay Tae!!" Taena sino ba yung tumatawag

-Heaven Calling

"Yo bro sup?"

["yo bro, yung sinabi natin ha, walang talo talo"]

"Oo bro ako pa, parang naiba naman ako sayo,tch"

["sige na bro ingat kayo"]

"Geh bye ingat ka din sa Korea bro"

-end call

Tumingin ako ulit kay Elise, inantok nadin ako, humiga na ako tapos onti onting pumikit yung mata ko hanggang sa nakatulog na ako

--
"Kian.. gising na!! Nasa Japan na tayo"

Onti onti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Elise na nag uunat, kakagising nya lang rin ata, lumapit sa amin yung flight attendant

"Sir, Mam, what do you want po? Coffee, milk, tea, foods?"

"Umm, can I have coffee" para naman magising ako

"Tea please" nakangiting sabi ni Elise.. tumango lang yung flight attendant tapos iniabot nya yung hingi namin..

Nakalanding na pala yung eroplano namin, maya maya n kami bababa pagkatapos namin, private airplane naman namin to, wala namang problem

Nakakapagod din pala yung halos 5 oras na byahe whoo.. haha kahit natulog lang kami, kinuha ko yung ipad ko and I looked at the time, mag teten na kami umalis papuntang Japan, almost 2 a.m na

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon