CHAPTER 1: Encounter

51 0 0
                                    

Hi I'm Iñigo, 19 years old, no girlfriend since birth??, no, actually, nagkaroon na ako ng 3 girlfriends. Di ako pogi kaya iniwan nila akong lahat.
Pagkatapos mamatay ng father ko, lumipat kame sa lugar na itago nalang naten sa pangalan na UTOPIA village, this place ay medyo malapit sa mga mapunong lugar somewhere sa Manila.
Mahilig ako sa mga sci-fi movies like, star wars and avengers etc."
"Nanonood ako ng mga sci-fi, pero di ako naniniwala sa aliens. Siguro di kayo maniniwala sa kwento ko pero, this story is the weirdest sh*t that happened to me.

Summer ng lumipat kame dito sa UTOPIA village, sobrang tahimik, kala mo may virus na kumalat sa buong lugar, tapos naging zombie silang lahat, ang tanging ingay lang na maririnig mo is yung sobrang lumang kanta ni Kenny Rogers. Habang binababa namin yung mga gamit namin sa kotse, may lumapit na babae samin, siguro nasa 40+ na yung edad nya, at...

"Hi, kayo pala yung bagong lipat, I'm Manel, dito lang ako nakatira sa bahay na ito". Sabay turo sa bahay na katabi ng bahay namin.

"Oh, I'm Grace, eto naman si Iñigo anak ko", sabi ni mama.

"Cute naman ng anak mo", sagot ni Manel.

"Ay, thank you po",nangingiting sagot ko.

"Sige, pack your things na sa loob ng bago nyong bahay, kung may kailangan kayo, just call me ha!", masayang sabi ni Manel.

Pumasok na kame sa bago naming bahay, medyo malaki yung bahay namin, kase tatlo yung kwarto, pero ano kayang naisip ni mama bakit sya bumili ng bahay na ganito.

"Nag tataka ka siguro, kase tatlo yung kwarto dito sa bahay na to no?"

"Nabasa nyo po yung nasa isip ko?" nagtataka kong sinabi sa mama kong malapit ng pumatak ang luha.

"Hindi ko ito binili, kase sabay namin to'ng pinag ipunan ng daddy mo, para sana sainyo to ng  kapatid mo", malungkot na sabi ni mama habang naka tingin sya ng diretso sakin.

By the way, dalawa kaming magkapatid, yung bunso kong kapatid ay babae, namatay naman sya sa isang car accident, namatay sya ng 9 years old palang.

"It's okay ma, nandito parin naman ako e, di naman kita pababayaan", nakangiti kong sinabi kay mama, sabay yakap.

Pagkatapos noon, pumunta na ako sa kwarto ko, by the way ulet, up and down ang bahay namin, diba ang laki.
Umakyat nako sa kwarto ko at nagligpit ng gamit, dahil sobrang dami ng sci-fi DVD's ko, natagalan ako sa pag aayos. Sa sobrang pagod ko, napahiga nalang ako sa kama ko na sobrang tigas, na para bang sobra ng napitpit ang foam sa loob ng kutsiyon.

Habang natutulog ako, napanaginipan ko yung oras na nasa loob kame ng kotse, nag tatawanan katabi ko yung bunso kong kapatid, kumakanta ng mga lumang tugtog, kase si daddy mahilig sa mga old musics, nang bigla nalang umalingawngaw yung busina ng truck sa harap namin.
Bigla nalang akong nagising na sobrang pawis, tumingin ako sa orasan, 3:00 na ng madaling araw. Nagtaka lang ako kase, biglang lumambot yung hinihigaan ko. Sumilip ako sa bintana, tapos may nakita akong nakatayo sa labas ng gate namin. Di ko sya masyadong makita ng maayos kase yung street lights sa village sobrang dilim.

Kaya naisipan kong bumaba, pag bukas ko ng pintuan ko, parang iba yung itsura ng bahay namin. Sobra nakong nagtataka kaya hinanap ko si mama, sigaw ako ng sigaw, at putsa!, di ko makita yung switch ng ilaw kaya sobrang dilim ng paligid. Ginamit ko nalang yung phone ko na 35% nalang yung battery.
Dahil di sumasagot si mama, naisip ko na baka natutulog lang sya ng mahimbing kase pagod. Lumabas ako ng bahay, at ang daming fog. Gamit yung flashlight ng phone ko, nakita ko yung taong nakatayo sa labas ng gate namin. Nung napansin nyang nakita ko na sya, tumakbo sya ng sobrang tulin.

Ako naman to'ng si curious na humabol sakanya, kung di nyo naitatanong athletic ako sa dati kong school, pero mas athletic yung hinahabol ko, kase ang bilis nyang tumakbo. Sa sobrang pag hahabol ko sakanya, di ko napansin na nakapasok na pala ako sa medyo mapunong area ng village.

"Holy sh*t, di ko na nga nahabol, napasok pa ako sa gubat na to", sabi ko sa isip ko.

Ng biglang...

"Bat moko sinundan?"

"Babae?!, ang bilis mo tumakbo ah, nag te take ka ba ng drugs?", sagot ko sa babaeng nakatago sa anino ng puno.

"Umalis kana dito, hindi ka dapat nandito"

"Bakit naman?, ikaw nga nandito rin e", sagot ko.

"Hindi ka ba natatakot sa lugar na to?", pabebeng sabi ng babae.

"Hindi, mga puno lang naman sila e, wala naman silang gagawin saking masama, ako nga pala si Iñigo, bagong lipat lang kame dito, ikaw ano name mo?"sabi ko sakanya.

"Umalis kana"...

Nagising nalang ako ulet na sobrang pawis, pero, bumalik na yung sobrang tigas kong kama, bumalik na din yung dating itsura ng bahay namin. Tiningnan ko yung oras 6:00 na ng umaga. Tumayo ako na sobrang sakit ng likod. Bumaba ako sa kusina para kumain ng breakfast, nandun si mama nag luluto.

"Good morning Iñigo, hintayin mo to'ng hotdog. Oh!, bat parang antok na antok ka pa?, atsaka bat nakahawak ka sa likod mo?, sabi ni mama sakin, habang nag luluto.

"Sobrang weird ng panaginip ko ma, atsaka ang tigas ng kutsiyon ko sa krawto, grabe parang sand bag yung unan at kama ko"

"Tiis ka muna ha, di pa ako makakabili nyan, kase wala pa akong trabaho. Teka lang Iñigo, bat wala ka sa kwarto mo kagabi?"

"Ako ma?, natulog na ako kaagad, wait!, mga anong oras ka po tumingin ma?", pag tataka ko.

"Siguro...pasado 9:00 na, kase hihingi sana ako ng tulong mo sa pag bubuhat ng gamit ko dito sa kwarto, e hindi ka naman sumasagot".

"Teka ano ba talaga nangyare?? wala ako sa kwarto?, saktong 9:00 tulog na ako".

"Hindi kaya, nag sleep walk ka kagabi?, hahaha", biro ni mama.

"Imposible ma, dama ko yung tigas ng higaan ko e, kung nag sleep walk ako, dapat hindi masakit ang likod ko", sagot ko kay mama.

"Sige na nga, hahaha, kumain kana ng almusal".

Umakyat nako sa kwarto ko at inisip ang mga nangyari. Pero tuliro parin ako at naguguluhan.

TO BE CONTINUED...

CREATURE OF THE NIGHTWhere stories live. Discover now