CHAPTER 2: The Incubus

26 1 0
                                    

So ayun, dahil nga bagong lipat palang kame, wala pa kameng dalawang araw sa village, kaya wala pa akong kakilala, "kame ni mama" rather.

Hanggang dalawang araw ang nakalimpas, habang nanonood ako ng star wars movie, may bumato sa bintana ng kwarto ko, tumayo ako agad kase nabasag yung salamin, as in, basag talaga, tumagos yung bato sa salamin, kaya yung mga shards ng salamin ay nasa lapag na. Habang papunta ako sa may bintana, naka-apak ako ng isang malaking parte ng salamin.

"Sh*t!, buyset, sino kaya to'ng baliw na to?!"

Pagtingin ko sa bintana, nakita ko ang isang lalaki, kumakaway. Bago ako bumaba, tinalian ko muna ng damit yung sugat ko.
   Pag bukas ko ng pinto...

"Oy, sorry ha, napalakas yung bato ko sa bintana mo, hehe", sabi ng lalaki.

"Ano bang trip mo?", sagot ko.

"Gusto ko lang sanang makuha atensyon mo, pasensya na, ako nga pala si Henry, dyan lang ako nakatira sa may kanto, dun sa malapit sa puno ng Balete".

" Tingnan mo ginawa mo sa bintana ko, binasag mo!, atsaka dahil sa'yo, naka-apak ako ng basag na salamin!",galit kong sinabi.

"Haha, sorry na, ano ba pangalan mo?"

Sira ba ulo neto, kala ba nya ganon ka dali ang masugatan at mabasagan ng salamin?. Sandali pa at lumabas din si mama.

"Iñigo, anong nangyare?", sabay tumingala si mama sa may bintana ko. "Naku po!, Iñigo, nabasag ang salamin ng kwarto mo", dagdag pa ni mama.

"Sorry po, ako po may kasalanan", paghingi ng tawad ni Henry kay mama.

...At dahil sobrang bait ni mama, pinatawad nya agad si Henry.

"Ayan Iñigo, may bago ka ng kaibigan", pang-aasar ni mama.

"Ganda ng pangalan mo ah, I-Ñ-I-G-O, pang mayaman, hahaha", asar ni Henry.

"Tigilan mo ko, di tayo close, umuwi ka na nga", pag tataboy ko kay Henry.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, umakyat ulet ako ng kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at kumuha ng twizzers at alcohol, tatanggalin ko yung bubog sa paa ko, promise ang sakit, kasing haba ng kuko ko sa hinliliit yung tumusok.
    Nang matanggal ko yung bubog binuhusan ko agad to ng alcohol, sabay nilagyan ko ng benda. Tapos tinuloy ko na ang panonood ng movie.
   Bumaba ako saglit sa kusina para kumuha ng makakain, nang biglang nag doorbell si Henry.
   Alam nyo yung pag dodoorbell nya, yung pang asar, ginawa nyang drum pads yung doorbell namin, buyset.

"Iñigo, may tao sa labas!", sigaw ni mama mula sa kwarto nya.

Binuksan ko yung pinto, at nakita ko yung mapang asar na mukha ni Henry.

"Hi, let's hang out, bro", sabi ni Henry.

Binagsakan ko ng pinto yung mukha nya habang nag sasalita. Sa sobrang kulet nya, pindot sya ng pindot sa doorbell namin, kaya binuksan ko yung pinto namin at...

"Ano ba problema mo, brad?",

"Makikipag kaibigan lang ako", sagot ni Henry.

"Oo, magkaibigan na tayo, tigilan mo nako", naiinis kong sinabi sakanya.

"Kung magkaibigan na tayo, papasukin mo nako, manood tayo ng movie, mahilig din ako sa star wars".

"Pano mo nalaman na mahilig ako sa star wars??",sagot ko.

"Haha, kase napansin ko lang, mula ng dumating kayo dito nung isang araw, puro damit na ang design ay star wars ang suot mo", seryoso nyang sinabi.

CREATURE OF THE NIGHTWhere stories live. Discover now