"Nakuha ni Henry ang katawan ko ng walang kahirap hirap, siguro nga totoo ang kasabihan ng nakakarami na huwag mag tiwala kaagad.", dismayado kong bulong sa sarili.
"Iñigo, sumama ka sakin, may ipapakita ako sayo", sabi ng babae, na para bang gusto nya 'ng mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
"Sumama ka sakin, hindi tayo pwedeng abutan ng liwanag sa lugar na ito", nag mamadaling sabi ng babae.
Tumakbo ang babae palabas ng ospital at dumiretso sa bahay namin na medyo may kalayuan sa ospital.
"Teka, bakit papunta tayo sa bahay namin?!", tanong ko sa babae habang tumatakbo.
Huminto ang babae sa pagtakbo.
At binuksan ang gate ng bahay namin."Ito ang dahilan kung bakit lagi mo akong nakikita sa harapan ng gate nyo".
Nagulat ako sa mga nakita ko sa mga sandaling binuksan nya ang gate ng bahay namin.
Parang pumasok kame sa isang lagusan kung saan isang magandang village ang nakita ko, kamukhang kamukha ng village namin sa tunay na mundo, may mga taong nag lalakad sa mga sidewalks ng kalsada, may mga batang nag lalaro at ito ay ibang iba sa lugar na nasa labas ng gate namin. Parang bigla akong napunta sa ibang lugar.
"Nagtataka ka siguro kung bakit may ganito".
"Ano ba ang lugar na ito?", tanong ko.
"Ito ang mundo kung saan nasa gitna tayo ng liwanag at dilim", sagot ng babae.
"Parang Twilight?".
"Tama, ang lugar na ito ay isang perpektong mundo para sa mga tulad natin", sagot ng babae.
"Ano ba talaga tayo?", dagdag na tanong ko.
"Hindi pa panahon para malaman mo ang mga bagay na iyan, sa ngayon ay damahin mo muna ang kapayapaan sa lugar na ito", seryosong sagot ng babae.
Huminga ako ng malalim at dinama ang simoy ng hangin, tumingin ako sa paligid, at narealize ko na dapat ay ganito dapat ang tunay na mundo.
Paglingon ko sa aking likuran ay wala na ang babae.
Maya maya pa ay may dumating na grupo ng tao na halos kasing edad ko lang ang mga miyembro.
"Hi", masayang bati ng lalaki sa akin.
Pagkatapos iyo'ng sabihin ng lalaki ay nag sunuran nang bumati ang mga kasama nya.
Matapos nilang bumati ay pinakilala na sila ng lalaking unang bumati sakin.
"Ako pala si Kristoff, ako ang senior nila, kase pinaka matanda ako sakanilang lahat", excited na pagbigkas nya.
"eto naman si Kent, si Kent ang pinaka bata sa aming lahat".
"eto namang maliit na babae na ito ay si Arl, sya ang pinaka matalino sa amin", sabay hawak sa ulo ni Arl.
"si Mica naman..", malakas na bigkas nya sa pangalan.
"...pag dating sa itsura panalo sya pero pag dating sa pag iisip at sa utak, wala syang binatbat, hehe", pabulong na biro ni Kristoff."Mag kakaiba man kame ng itsura at mga abilidad ay napapanatili parin naming lahat ang kapayapaan sa lugar na ito", buong pag mamalaking sinabi ni Kristoff sa harapan ko.
Pagkatapos ng mahabang pag papakilala, sinamahan ako ni Kristoff sa lugar kung saan ako tutuloy.
Habang nag lalakad kame papunta sa lugar kung saan ako tutuloy...
"Teka, Kristoff, natutulog din ba ang mga tulad naten?", tanong ko kay Kristoff.
"Syempre naman, kailangan din natin mag pahinga, kailangan din naten kumain, gawin mo lang yung mga bagay na ginagawa mo sa tunay na mundo,kase pag nawalan tayo ng lakas mamamatay tayo kasabay ng pagkamatay ng katawan naten sa tunay na mundo", paliwanag ni Kristoff.