CHAPTER 9: End Game

17 3 0
                                    

Madilim at walang katao tao sa paligid. Si Carrie ay naghihingalo na patuloy ang pag patak ng mga dugo niya sa lupa, at ang damit niya ay basang basa ng dugo.

Sinandal ko siya sa pader para makapag pahinga.

Hanggang sa may tao akong nakita mula sa mahamog na kalsada.

Palapit ito ng palapit samin, sa pag lapit nito ay natatanaw ko na rin ang kaniyang mukha.

Si Alex ito na nag lalakad sa dilim.

"Iñigo, anong nangyari?", tanong sakin ni Alex nang makita niya si Carrie na duguan.

"Si Kristoff ang may gawa nito sa amin!, gusto niya kaming patayin!", sagot ko kay Alex.

"Ha?", tanging sagot niya.

Tumingin sa paligid si Alex.

"Iñigo...umalis kana dito habang...may oras...pa, hindi ligtas... dito", pilit na pag banggit ni Carrie kahit na nauubusan na ng hininga.

Nang sabihin iyon ni Carrie, napansin ko na nanlaki ang mga mata ni Alex, na para bang may hinihintay ito.

"Buti naka takas kayo kay Kristoff, nasaan na siya?", tanong ni Alex na sobrang kampante at mahinahon.

"Nasa loob si Kristoff, nakatulog siya ng sugurin ko siya", sagot ko.

Bigla nalamang sumagi sa isip ko na, bakit nandito si Alex, wala naman siyang dadalawin sa ospital anong ginagawa niya dito, wala siyang dahilan para pumunta dito.

At mas inuna niya pang isipin si Kristoff?.

"Anong ginagawa mo dito Alex?, may problema ba?", tanong ko sakanya.

"Hindi na mahalaga ang dahilan ang mahalaga matutulungan ko kayo", sagot niya.

Una niyang binuhat si Carrie...
Nang may bigla nalamang humampas sa ulo ko...

Nawalan ako ng malay at nagising nalamang na nakatali sa isang upuan, sa loob ng isang saradong kwarto.

Sa harap ko ay si Carrie na nakatali din sa isang upuan, wala siyang malay, parang siya ay patay na dahil sa dami ng dugo na nawala sakanya.

At sa buong paligid naman ay ang mga tao na unang tumanggap sakin nang ako ay napunta dito sa mundong ito sila; Kristoff, Mica, Arl, at si Kent.

"Gising ka na pala Iñigo", isang boses ng babae ang nag sabi nito sa likuran ko at nakahawak sa mga balikat ko.

"Ugh!, ano ba ang kailangan niyo?!".

"Kailangan na mamatay kayong dalawa!", sigaw ni Alex sa harap ng mukha ko.

Mukhang malaki ang galit ni Alex sa mga katulad namin na kakaiba.

"Bakit?!, ano ba ang kasalanan namin sa'yo?!".

"Alam mo, tutal nandito kana din at si Carrie sasabihin ko ang dahilan kung bakit...".

"Uhgmmm, Iñigo?...sabi ko tumakas ka... na kanina", nagising si Carrie, at sinabi niya iyon kahit na hindi na niya ito kayang bigkasin ng maayos.

"Carrie!! wag kana gumalaw!, pakawalan mo kami dito Alex!!", sigaw ko kay Alex, pero hindi niya ito pinansin.

"...ang mga tulad niyo ay habang buhay nang nandito kapag ang katawan niyo ay nawala na sa tunay na mundo, pero bawal na kayo sa liwanag ng parehas na mundo.

Ang mga tulad niyo rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon!!!", bigla nalamang tumaas ang boses ni Alex.

"Dati akong naka tira sa bahay niyo, Iñigo!, maayos ang buhay ko noon, pero makalipas ang ilang gabi, gabi gabi na akong hindi makatulog dahil sa mga panaginip ko. Mga panaginip na sa una ang akala ko ay hindi totoo. Lagi akong nakakakita ng lalaki sa panaginip ko, tulad mo rin ako dati walang alam, pero nang nasa astral state nako, nag bago ang lahat. Sinundo ako ng isang lalaki para dalhin sa village. Pinaliwanag niya sakin ang lahat. Pero sobrang bata ko pa non para maintindihan ang mga bagay, kaya binalik niya ako sa katawan ko at hinintay na maging husto ang gulang ko. Nang nasa wastong gulang na ako ay nag simula nanaman ang pananaginip ko, gabi gabi nanaman akong hindi pinapatulog ng mga panaginip ko. Hanggang sa isang gabi ay naka punta nanaman ako sa astral state at sa pagkakataong iyon ay naiintindihan ko na ang mga bagay...".

Nakikita ko sa mga kurtina ang liwanag ng araw sa labas ng kwarto tumingin agad ako kay Carrie at nag isip ng paraan para maka takas.

"Ummm, Alex, mag uumaga na, anong balak mong gawin?", tanong ni Kristoff.

Huminto si Alex sa pag sasalita at...

"Hahaha, oras na Iñigo, eto na ang katapusan at bagong yugto ng buhay niyong dalawa sa impyerno!!".

Isa-isa nang umalis sila Alex at iniwang naka kandado ang mga pinto at bintana.

"Iñigo... katapusan na natin... ilang oras nalang tayong mabubuhay...", nauutal na sinabi ni Carrie sa akin.

Naka pikit nalamang ako at nag iisip ng paraan para maka alis sa pagkakatali.

"... Iñigo, bago tayo mamatay, may aaminin ako sa'yo...", naka yuko si Carrie nang sabihin niya ito.

"...naaalala mo ba yung araw na naaksidente kayo?...", tanong ni Carrie.

"Oo, Carrie, wag ka mag salita, makaka isip din tayo ng paraan kung pano tayo makakatakas dito, pag naka takas tayo dito, mag hihiganti tayo. Ipaghihiganti naten ang mga taong nawala sa ating dalawa!"

"...hindi mo ba ko naaalala?".

Bigla nalamang akong napahinto sa kinauupuan ko at tumingin kay Carrie.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang pintig ng puso ko.

"...alalahanin mo'ko Iñigo, sana sa mga huling oras na ito ay napasaya kita. Sana sa kabilang buhay ay magkita parin tayo...", naka yuko parin si Carrie nang sabihin niya iyon sa akin.

Tumulo ang luha ko ng sandaling iyon. Pero si Carrie ay naka yuko parin

Samantalang ang sikat ng araw ay unti-unti nang gumagapang sa mga pader at sa sahig ng kwarto. Unti-unti na din nitong binibigyan ng liwanag ang madilim na kwarto.

Dumampi ang liwanag sa sugatang balat ni Carrie. Sa mismong oras din na iyon ay nakikita ko na ang balat ni Carrie ay unti-unting nagiging usok.

"Iñigo...", tumingin ng diretso sakin si Carrie habang ang luha niya ay umaagos sa kanyang mga pisngi.

"... paalam na".

Wala manlang akong nasabi kay Carrie, ang nagawa ko lang ay tingnan siya habang ang buong katawan niya ay nagiging usok.

"Wag mo kong iwan Carrie!!", humahagulhol kong sinabi kay Carrie.

Nabura na sa hangin ang katawan ni Carrie... hanggang sa mukha nalamang niya ang natira sa aking paningin.

"Mahal na mahal kita Iñigo", nagawa niya pa itong sabihin sa kabila ng dinadanas niya.

At tuluyan ng nag laho sa hangin si Carrie.

Nang sa katawan ko na dumampi ang sikat ng araw ay napa pikit nalamang ako at inaasahang mag lalaho din sa hangin.

Pero hindi ito nangyari. Dumilat akong buo parin ang katawan ko.

Kalaunan ay napaluwang ko ang tali ng mga kamay ko at naka takas na sa pagkaka tali.

Nakalabas ako ng pintuan ng kwarto.

Pinuntahan ko ang kwarto kung saan na-confine si mama dati. Nag babakasakali na bumalik ang katawan ko at katawan ni mama.

Ngunit, laking gulat ko nang makita ko ang katawan ko na nakahiga sa kama kung saan naka higa dati si mama.

-----TO BE CONTINUED-----





CREATURE OF THE NIGHTWhere stories live. Discover now