Habang nakaupo ako sa kama, may nag doorbell sa gate namin, alam ko na agad na si Henry iyon, kaya bumaba ako ng kwarto at binuksan yung gate.
Pag bukas ko ng gate.
"Iñigo, ba't parang kulang ka sa tulog?", pambungad na tanong sakin ni Henry.
"Ikekwento ko sa'yo lahat, tara sa loob ng bahay", sagot ko.
Pag akyat namin sa kwarto, kinwento ko kay Henry ang lahat, mula sa pagkakita ko kay Manel sa gubat hanggang sa panaginip ko.
"Si Manel?, nakita mo sa kakahuyan?", tanong ni Henry.
"Oo, bakit?".
"Alam mo kase may kwento itong village na to, hindi ko alam kung maniniwala ka".
"Dati kase may nakatirang pamilya dito, dito mismo sa bahay nyo. Bale tatlo silang parte ng pamilya, yung nanay, tatay, tapos yung special nilang anak na babae".
"Special, as in, parang mutant?".
"Baliw!, hindi mutant, special, as in, special!", pasigaw na sagot ni Henry sakin.
"Ahh, okay sige ituloy mo na yung kwento".
"Eto ang kwento, yung anak nila nakakarinig ng mga boses sa ulo nya, sa una hindi ito pinapansin ng mga magulang nya kase nga diba special sya, akala ng mga magulang ng bata ay natural lang. Pero habang tumatagal, yung sakit ng bata at lumalala. Kaya nag desisyon yung mga magulang ng bata na ipatingin sya sa doctor. Pero ang sabi ng doctor ay natural lang daw iyon sa bata dahil sa sakit nito, nag bigay lang ng mga gamot yung doctor, para sa maintenance ng bata.
Hanggang sa isang araw, habang binibigyan ng gamot yung bata sa kwarto nya, na kwarto mo na ngayon.
Yung bata ay hindi na dumidilat, hindi na rin ito humihinga. Ang buong akala ng mga magulang nya ay na-overdose ito sa mga gamot na pinapainom nila, but nagkamali sila. Dinala nila ito sa ospital at sinabi ng doctor na ang puso ng bata ay patay na, pero ang utak nya ay 45% functioning pa, kaya ang ginawa ng mga magulang ng bata ay maghintay pa ng isang araw. Isang buong araw ang lumipas pero wala pari'ng pagbabago sa sitwasyon ng bata.
Isang buong linggo ang lumipas, wala parin pagbabago sa bata, mahimbing parin s'yang natutulog, mukha na itong bangkay dahil sa sobrang payat nito. Kaya nag bigay ng suggestion ang doctor na gawin na lamang ang euthanasia o mercy killing sa bata. Pero hindi pumayag ang mga magulang ng bata, inuwi nalamang nila ang bata dito sakanilang bahay.
Dahil nga hindi dumidilat ang bata, napagdesisyunan nila na kumuha ng albularyo mula sa malayong probinsya at naturingang pinaka magaling sakanilang lugar. Ngunit wala din itong nagawa dahil hindi nya daw itong gamutin...".
"Ha?, bakit daw?", tanong ko kay Henry.
"Kase paranormal expert or exorcist lang ang makakapag pagising sakanya", sagot ni Henry.
"Bakit daw?".
"Itutuloy ko nalang yung kwento".
"Ay, sige", seryoso kong sinabi kay Henry na seryoso din na nag kekwento.
"Dahil sa sinabi ng albularyo na iyon, kaagad silang kumuha ng paranormal experts. Ang sabi naman ng mga eksperto, ang kanilang anak ay buhay pa, pero nasa ibang lugar ang kaniyang ulirat at kaniyang kaluluwa. Ayon pa sa mga eksperto, ang anak ng mag asawa ay nasa astral state. Ang kanilang anak ay tulog pero gising ang kaluluwa at ito ay pagala gala lamang. Maaaring nasa panganib ang katawan ng kanilang anak dahil wala ang kaluluwa sa kanyang vessel, maaari itong maging vessel ng ibang kaluluwang ligaw or worse isang DEMON".