CHAPTER 8: Creature Of The Night

10 2 0
                                    

Matapos sabihin ni Carrie na mayroong sumusunod samin ay lumingon ako agad sa likuran ko para tingnan ito.

"Iñigo, wag kang lilingon, wag ka mag pahalata na alam na natin", bulong sakin ni Carrie.

Nag patuloy lang kame sa paglalakad na parang walang sumusunod samin.

Kanina ay hindi ko nararamdaman na may sumusunod samin, pero sa tagal ng pag lalakad namin ay unti-unti ko itong naramdaman.

"Carrie, malayo pa ba tayo?", tanong ko kay Carrie.

"Malapit na tayo Iñigo".

"Teka Carrie, bakit mo nga pala alam ang lugar na to?, dito ka din ba nakatira?".

Sumulyap lang ang mga mata sakin ni Carrie.

"Atsaka, ano yung sinasabi mo sakin nung una tayong nagkita?", isa ko pang tanong kay Carrie.

"Hindi niya pa sa'yo sinabi?", sagot sakin ni Carrie.

"Sinabi ang ano?".

Huminto si Carrie sa pag lalakad.

"Katulad mo ako", sagot ni Carrie.

"Anong katulad kita?, ano ka ba talaga?".

"creature of the night ang tawag nila sa mga tulad natin, hindi totoong nakikita lang ako tuwing gabi, dahil kailangan kong mag tago, hindi ako pwede sa liwanag ng dalawang mundo".

Pagkatapos sabihin ni Carrie ang mga bagay na iyon ay huminga siya ng malalim...

"Hindi ako pwede sa liwanag ng dalawang mundo, dahil wala na ang katawan ko, ang mga tulad natin ay habang buhay may malay kahit na ang katawan natin ay wala na".

"Ibig sabihin, pag nawala na ang katawan ko magiging tulad mo narin ako?, bawal na sa liwanag ng dalawang mundo?", tanong ko pa kay Carrie.

"Oo Iñigo".

Nag patuloy kami sa paglalakad.

"Bilisan na natin Iñigo".

Bigla nalamang nawala ang masama kong pakiramdam tungkol sa sumusunod samin.

"Carrie, wala na yatang sumusunod satin", bulong ko kay Carrie.

"Hindi ko na din sila nararamdaman Iñigo", sagot ni Carrie.

"Ummm, Carrie, ano ba talagang purpose natin?".

"Hindi ko din alam Iñigo, wala akong naaalala kahit ano".

"Ha?, wala kang maalala?, bakit?".

"Sabi ni Alex sakin ay comatosed ang katawan ko", sagot ni Carrie sakin.

Tumingin ako kay Carrie at napansin ko na lumuluha siya, hindi niya napansin na tumingin ako sakanya.

"Nandito na tayo Iñigo...".
"...teka, nandyan nanaman sila",sabi ni Carrie, sabay tingin sa paligid.

"Ha?, anong nandyan nanaman sila?".

"Nasa loob sila ng ospital Iñigo, sa tingin ko hindi tayo ang puntirya ng mga sumusunod satin", sagot ni Carrie.

Bigla kaming nag tinginan ni Carrie.

"Yung mama ko!", gulat kong sinabi kay Carrie.

Tumakbo kami ni Carrie papasok sa ospital.

"Iñigo, saan ang kwarto ng mama mo?", nag mamadaling tanong ni Carrie.

"Sundan moko Carrie", sagot ko.

Dali dali kaming pumunta sa kwarto ni mama.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang kami ay tumatakbo. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

CREATURE OF THE NIGHTWhere stories live. Discover now