Napatingin ako kay Kent at...
"Bat parang nagulat ka, Iñigo?".
"Kent, sa tingin ko, kilala ko yung lalaking kumuha sa katawan naten", sagot ko kay Kent.
"Ha?, pano?", nag tatakang sagot ni Kent.
"Kilala ko s'ya, kase kapitbahay ko s'ya sa tunay na mundo, nag iisa ko lang siyang kaibigan mula ng lumipat kame sa village".
Tumingin sakin si Kent.
"Hanapin mo yung katawan naten, Iñigo, yon lang ang tanging paraan para makabalik tayo sa tunay na mundo".
"Wag ka mag alala, gagawa ako ng paraan para makabalik tayo sa tunay na mundo", sagot ko kay Kent.
Tumayo kame at umalis sa lugar na iyon.
Sa pag lalakad ko papunta sa aking bahay, nakita ko si Mica at Kristoff na magka usap malapit mismo sa harap ng bahay ko, mga ilang dipa lang ang layo.
Nang lumapit pa ko, napansin ko na seryoso ang pinag uusapan nila, nag uusap sila with hand gestures pa.
"May problema ba?", tanong ko sakanilang dalawa sa sandaling lumapit ako.
Huminga ng malalim si Kristoff na para ba'ng pinilit n'yang huminahon, pero pansin ko parin ang kaunting pagka inis nya.
"Wala naman, Iñigo", sabi ni Kristoff sakin habang pinipilit ngumiti.
Samantalang si Mica ay tahimik lamang at naka yuko, kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig n'ya.
"Mauuna na kame, Iñigo", sabi ni Kristoff.
Habang nag lalakad sila papalayo sakin ay halos tatlong beses lumingon sakin si Kristoff na para ba'ng may patago siyang sinasabi kay Mica.
Hindi ko nalamang pinansin ang mga kaganapan dahil ayoko ng dagdagan pa ang mga iniisip ko.
Pumasok ako ng bahay at nahiga sa kama. Tumingin lang ako sa kisame ng halos ilang oras din. Dahil sa pag iisip ko, hindi ako mapakali sa kama. Kaya tumayo ako at naupo sa kama ko.
Tumulala ako at nag muni muni muli. Hanggang sa...
"Iñigo".
Si Manel ay nasa likuran ko, naka suot ito ng damit na itim, tulad ng suot n'ya nang makita ko sya sa kakahuyan.
"Manel!, ikaw?!", galit ko'ng sagot sakanya nang ako ay tumalikod para s'ya ay tingnan.
"Huminahon ka Iñigo, nandito ako para mag...".
"Tumahimik ka!!".
"...nandito ako para magpaliwanag, konting oras lang ang meron ako".
Tumayo ako sa kama. Balak ko sanang lumabas ng bahay para sumigaw para malaman ng buong village na nandito si Manel.
"Wag mong gagawin yan, Iñigo, kailangan ka ng mama mo".
Napahinto ako sa balak ko at napatingin kay Manel.
"Nasa panganib ka".
Maya maya pa ay tila nabubura si Manel sa hangin. Hanggang sa ilang segundo ang nakalipas, tuluyan na ngang nawala si Manel sa harapan ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko, tumindig mga balahibo ko at nanghina ang mga tuhod ko.
Umiikot ang buong paligid sa paningin ko. Napaupo ako sa kama, ulit. Pumikit ako. Huminga ng malalim. Pagdilat ko ay basa na ng luha ang mga pilik-mata ko, umaagos na ang luha sa mga pisngi ko.
Nag punas ako ng luha. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi parin nag babago.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla nalamang umagos ang luha ko.