Sana nga ay totoo ang sinasabi ng babae tungkol sa pag sagot nya sa mga tanong ko.
Pero hindi parin maalis sa isip ko si Carrie.
Dahil narin siguro sa dami ng nangyari sakin ngayong araw ay nakatulog nalang ako bigla.
Mga ilang oras ang nakalipas, dumampi na ang sikat ng araw sa mukha ko. Nasilaw ako sa liwanag kaya napadilat ako. Tumayo ako at sumilip sa labas, nanibago ako kase sa tunay na mundo pag sumilip ako sa bintana ang nakikita ko ay mga bahay lamang at mga kalyeng walang laman.
Naghilamos ako at nag ayos ng sarili.
Lumabas ako ng bahay para makihalubilo.
Hanggang sa nakasalubong ko si Arl.
"Hi, Iñigo, kumusta unang gabi mo?", masayang tanong nya.
"Ayos naman", nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman", sagot nya, habang sya ay paalis na...
"Ummmm, Arl, may tanong lang ako, may kilala ka ba na Carrie?", tanong ko.
"Carrie?..., Carrie?", pilit na pag alala ni Arl habang naka hawak sa baba nya.
"Ahhh!, oo, si Carrie, nakilala mo na pala sya!, kakaiba si Carrie, Iñigo...", tumaas ang boses ni Arl ng sambitin nya ang pangalan ni Carrie, pero naging seryoso sya ng sabihin nya ang mga susunod na salita...
"Panong kakaiba?", tanong ko ulet kay Arl.
"...matagal na syang nandito sa lugar na ito, tinatawag syang creature of the night ng nakararami, kase tuwing gabi lang siya nandito, hindi ko din alam ang dahilan kung bakit ganon, mas maganda siguro kung sya mismo ang tanungin mo", seryoso s'yang nag paliwanag pero, nakangiti n'yang tinapos ang pagpapaliwanag nya.
"Sige, Arl, salamat", nakangiti kong pagpapasalamat sakanya.
"Walang ano man, kung may mga katanungan ka pa, handa akong sagutin iyan hanggang sa abot ng aking makakaya, mauuna na ako", nakangiti n'yang sagot sakin.
Naghiwalay na kame ng destinasyon ni Arl.
Naglakad lakad ako sa buong village, patingin tingin sa mga tao na masayang nakikihalubilo sa isa't isa.
Umuwi ako ng bahay at naupo sa hagdan na nasa harap ng pinto ng bahay ko.
Pumikit ako at tumingala, inisip ko si mama na kung sana sya ay nandito, sana ay parehas kaming masaya.
"Makikita mo rin sya mamaya".
"Ha?", napadilat ako at nakita ko ang babae na nagdala sakin dito.
"Makikita mo ang mama mo mamaya, pero tuwing gabi lamang, hindi tayo pwede sa liwanag ng tunay na mundo", paliwanag ng babae.
Umupo sya sa tabi ko.
"Pwede ba'ng dalhin ko dito ang mama ko?", tanong ko.
"Iñigo, may karamdaman ang mama mo, hanggang ngayon ay nasa ospital parin sya gusto ko'ng makita mo sya bago s'ya...", yumuko ang babae at tumigil sa pag sasalita.
Napalunok ako ng laway. Parang may maling nangyayari sa mga oras na iyon.
"Anong pinag sasasabi mo?!", sigaw ko.
"Huminahon ka, Iñigo, pupuntahan naten siya mamaya para malaman mo ang totoo", sagot ng babae habang pinapahinahon ako.
"Pano ako hihinahon?!, nanay ko yon!, siya nalang ang nag iisang pamilya ko!".
"Makakapunta lamang tayo sa tunay na mundo tuwing gabi. Kapag naabutan tayo ng liwanag sa tunay na mundo, mag lalaho tayo na parang bula".
Inintindi ko ng maigi ang sinabi ng babae. At huminahon...