Pagkatapos magpaliwanag ni Henry ay umalis na din sya agad sa bahay.
Nag aalala ako sa sarili ko at kay mama, dahil kung nasa panganib ako, maaaring mawalan nanaman si mama ng isa pang anak.
Ang tanging nagawa ko lang ay mag research tungkol sa incubus, ang mga di pangkaraniwang salita na nakita ko ay:
rapid eye movement (REM), sleep paralysis at lucid dreaming.Ayon sa pangangalap ko ng information, ang REM ay isang sign na ikaw ay makaka experience ng sleep paralysis, kung saan ang mata mo ay mabilis na gumagalaw in every direction habang ikaw naka pikit, ang ibig sabihin naman ng sleep paralysis ay pagiging paralisado ng buo mong katawan habang ikaw ay natutulog. Ang utak mo ay gising pero ang buong katawan mo ay tulog, at tama nga si Henry, dahil maaaring dahilan ito ng stress, pagod, at kulang sa tulog. Ang lucid dreaming naman ay ang pagkakaroon mo ng panaginip sa loob ng iyong panaginip, in short eto yung nangyari sa akin nung unang lipat kami dito.
Therefore, kung naranasan ko itong tatlo, nakakaranas ako ng lucid dreaming, and matuturing na akong LUCID DREAMER.
Wtf?, anong ibig sabihin neto hindi ako matutulog?.
Buong araw ko itong inisip, di ko na napansin yung oras and it's almost 9:00 na ng gabi, bumaba ako para puntahan si mama at iexplain ang mga nangyari sakin. Pero ng sumilip ako sa kwarto nya ay naka tingin parin sya sa sakanyang bintana habang naka upo sa upuan nya, siguro di nya ako napansin, kase di naman sya tumingin. Feeling ko tuloy wala ng pake sakin si mama, ang isip nya ay nasa kapatid ko parin at kay daddy.
Nakakahawa pala yung atmosphere dito sa village na'to, kase nung unang araw namin dito naka ngiti pa sya at kalaunan naging weird na din si mama, and sana wag naman ako yung sumunod.
Dalawang gabi nanaman ang lumipas, di nanaman nag pakita si Henry, ayoko naman syang puntahan sakanila kase di naman ako kilala ng magulang nya, kaya nag hihintay nalang ako kung kelan sya ulet pupunta.
*Bakit nga ba hindi ako lumabas at makipag kaibigan sa iba?, bakit nga ba ako nag titiis na mag isa dito sa loob ng bahay?.*
Lumabas ako ng bahay at nag lakad lakad, siguro mga dalawang oras din akong nag lakad, and I think naikot ko na yung kalahati ng village, wala naman taong lumalabas, yung ibang bahay nga dito sobrang luma na, mabibilang mo nalang yung mga bahay na iniingatan ng mga may-ari. Wala naman akong napala sa pag lalakad ko, kaya umuwi nalang ako. Habang nag lalakad ako pauwi naka kita ako ng mga taong naka itim na robe, alam nyo yun yung suot ng mga illuminati, nasa may magubat na parte sila ng village, naka ikot sila hindi ako sigurado kung ano yung bagay na sinasamba nila.
Nakita ko sila agad kase ang dami nila, pero wala akong nakita kahit isang mukha sakanila dahil may hood ang robe sila, lumapit ako ng onti, as in onti lang, kase natatakot na ako, pero curious parin ako sa ginagawa nila, habang lumalapit ako naririnig ko yung parang orasyon nila, and sh*t!, ang sakit sa ulo, wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, parang Latin words na ewan. Tapos naka-apak ako ng tuyong dahon, and biglang humangin ng malakas sabay nag tinginan silang lahat sakin...
Dahil nga malakas yung hangin may isang tao akong nakita kase hinangin yung hood nya, sa una hindi ko sya maaninag ng maayos kase natatakluban parin ng buhok nya yung kalahati ng mukha nya, pero nang tinitigan ko ng maayos, nakilala ko sya. S'ya yung taong unang lumapit samin nang kami'y lumipat dito. Nakita nya ako at ngumiti ng sobrang weird, alam nyo yun?, yung mga mata nya nanlaki tapos yung ngiti nya sobrang haba.
Napatakbo nalang ako ng mabilis, as in sobrang bilis na halos lahat ng natutunan ko sa athletics ay naapply ko.
Pumasok ako ng bahay at umakyat sa kwarto ko na sobrang kabado at atubili, sinarado ko agad yung mga bintana ko.