Chapter 5 Imahinasyon ni Ulap

2.3K 58 0
                                    

Chapter 5 Imahinasyon ni Ulap

*** CLOUD POV***

"HOW is she now?" nag-aalalang tanong ko kay Tito Daniel Artajo. Ang ama ng kaibigan kong si Mhar Anthony. Nasa Ospital ako ngayon. Isinugod ko kasi si Jhuveleen sa Ospital matapos niyang himatayin kanina.

Ang lakas ng loob niyang akitin ako kanina tapos ..... Aish!

>__<

Kapag naaalala ko ang nangyari kanina ay parang nanginginig ang mga tuhod ko. Ang tindi ng ginawa niya. Hindi ko inakala na magagawa niya ang ganoong bagay. She's a seductress.

>///<

Parang ano....

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Tito.

"She's fine." Sagot niya.

"Mabuti naman kung ganoon." ^__^

"Don't worry about her. Wala namang nangyaring masama sa kanya."

"Paano naman siya nawalan ng malay? Bakit ganoon na lang ang pamumutla niya kanina. May sakit po ba siya?" Mabilis ang pagkakatanong tanong ko. Walang preno.

E sa naguguluhan ako!

"Nothing to worry... Wala siyang kahit na anong sakit. She's too strong."

"Magkakilala ba kayo Tito? Parang close lang kayo e."

Kung makapagsalita kasi siya, na malakas si alien girl ay parang kilalang-kilala niya talaga ito. =__=

Natatawang tinapik niya ang balikat ko. "Kaibigan siya ni Jhoey, kaya alam ko na matibay siya.... Lagi ko silang nakikita na magkakaibigan dito na pagala-gala."

"Sinong Jhoey?"

Sino kaya yun? Sa pagkakaalala ko ay walang anak si Tito Daniel na nagngangalang Jhoey!

"She's a girl... I like her to be my sons' girlfriend...."

"Aaaah..."

Hindi ako interesado!

Isinilid niya ang kamay sa suot niyang coat. At ngumiti sa akin.

"Kung nag-aalala ka sa kalagayan ni Miss Illustre, wala kang dapat na isipin pa. Kasi hindi naman malala ang nangyari sa kanya." ^__^

"E bakit siya nahimatay?"

"Nang dahil lang sa sobrang kaba." ^__^

"Kaba?" naguguluhan ako sa isinagot niya. May nahihimatay nang dahil sa sobrang kaba? Paano ba iyon? Weird naman. "Bakit naman ganun?"

Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

"Malalaman mo rin iyan hijo." He looks at his watch. "I have to go now... May lakad pa kasi ako..."

"Pero..."

"Bye..." umalis siya agad.

Hindi na nagpapigil pa. Tsk!

Wala sa sariling nakamot ko ang ulo ko. Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko talaga siya maintindihan. Sakit sa ulo ang iniwan niyang salita.

Kaba daw? Bakit ako? Hindi hinimatay? =__=

Si Tito talaga! Ang galing mag-joke!

Kapagod ng mag-isip. Pinuntahan ko na lang ang silid ni alien girl. Bibisitahin ko siya saglit bago ako pumunta sa kabilang silid.

May bibisitahin din ako doon. Aish! Kanina kasi, bago nahimatay si Alien girl ay nahimatay din si Dannica Diane matapos nilang sundan si Krezyl Zane, na naaksidente naman.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon