Chapter 9 Cotton Candy
***JHUVEL POV***
"ULAPPPPPP!" sigaw ko. Nasa loob kami ng horror house. Maraming monster. Ayoko sanang pumasok ngunit mapilit siya kaya nandito na kami ngayon sa loob.
"Huwag ka ngang sumigaw alien girl. Masisira yata ang tainga ko sayo e!" >__<
Kayo kaya ang pumasok sa ganitong lugar? Ang dilim, walang gaanong ilaw. Tapos may bigla na lang hahawak sa kamay o sa kahit na anong bahagi ng katawan mo! Hindi ka kaya matakot?
Pustaan tayo. Sisigaw din kayo. Huhuhuhu. Gusto ko ng umuwi sa amin at kumain ng pagkain. Parang aatakihin na ako sa puso.
Umiyak na lang ako. Natatakot ako. Yumakap ako ng husto kay Ulap.
"Uwi na tayo..." T__T
"Hey... Ang aga pa!" inakbayan niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Hindi niya marinig ang iyak ko kasi pinipigilan ko ang sarili na huwag ipahalata sa kanya.
Lintik! Ang dilim talaga!
Habang nagtatakad kami ay may naramdaman akong malamig na kamay ang humaplos sa legs ko. Hindi ko na napigilan pa ang humikbi. Ang lakas ng pagkakaiyak ko.
Para na akong bata. Tumigil kami saglit. Mahigpit akong niyakap ni Ulap.
"Bakit ka ba umiiyak? Nandito naman ako ah!.. Hindi naman kita iiwan..." hinimas niya ang likod ko.
"M-may kamay n-na nakadikit sa legs ko...." I sob.
"What the..."
Inikot ako ni Ulap. Nagkapalit kami ng posisyon. Bahagya siyang bumitaw sa akin. Kinabahan ako sa pagbitaw niya.
"Ulap naman!... Huwag mo akong iwan." T__T
Nangapa ako sa paligid. May narinig akong ingay. Na parang may nagsusuntukan. Basta ingay lang talaga ang narinig ko. Tapos ilang sandali na ang lumilipas ay lumitaw ang boses ni Ulap.
"Ako lang ang may karapatang chansingan ang alien girl ko!... Huwag ka ng sumali... Pangit ka!"
Naguluhan ako sa pinagsasabi ni Ulap. Nalukot ang noo ko nang may marinig akong ingay na tila natumba. Ilang saglit lang ay may humawak sa kamay ko. At hinila ako....
"Ulap?" Gusto kong makasigurado na siya nga ito. Baka kasi nanti-trip na tao lang.
"O?" may nababanaag akong inis sa kanyang boses.
"What's happening?"
BINABASA MO ANG
BLS#4: Photographs(COMPLETED)
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #4 PHOTOGRAPHS >Jhuveleen (Jhuvel) Illustre>>>>>>>>> Cloud x Jhuvel Lovestory