Chapter 12 FEELINGS....

1.5K 51 0
                                    

Chapter 12 FEELINGS....

***JHUVEL POV***

AHHHHHHHH! Ang tagal ni Ulap. Kanina pa ako dito naghihintay kasu hindi parin siya dumadating. Napaano na kaya iyon?

At isa pa, gutom na talaga ako. Saklap nito. Walang gaanong laman ang ref niya kundi tubig at alak. Tss! Umiinom pala siya ng mga ganun? Hindi halata.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Kaysa naman mamatay ako sa kakahintay, pupuntahan ko na lang si Ulap sa kanila.

Parang ano kasi e. Hindi ako mapakali kung wala siya. Hehe, malay ko kung bakit. Isinilid ko na ang susi nitong condo niya sa bulsa ko tapos lumabas na ako. Naghanap ako ng taxi. At nang may nagkamaling huminto ay sumakay na ako.

Hehe! Alam ko kung nasaan ang office ni Ulap. Bakit? Simple lang naman, ganyan talaga kapag photographer ka. Maraming alam na mga interesanting bagay.

Dati, sobrang ilap ng Ulap na ito. Hindi ko inakala na magiging ganito na kami kalapit ngayon. Nakakatuwa. Natutuwa ako.

^__^

Pagkarating ko sa aking paroroonan, bumaba na ako ng taxi. Syempre, nakapagbayad na ako. Kahit naman lumayas ako sa amin may dala pa naman akong cash.

Ganyan ako kawais! ^__^v

"Naks! Ang laki!" bulong ko habang nakatutok ang mga mata ko sa buong paligid nitong building.

Ano pa ba ang ini-expect ko kay Ulap. Mayaman kaya siya. Pumasok na ako sa loob. Alam niyo, parang ang weird, hindi man lang ako sinaway ng guard. Kaduda-duda kaya ang suot kong damit. Sobrang simple kasi.

Hindi ko na lang pinansin. Lumapit na ako sa tatlong receptionist, abala sila sa mga ginagawa nila. Feel ko mang-isturbo kaya pagtiisan muna nila ang kakulitan ko.

"Hi! Miss." ^__^

Napatingin silang tatlo sa akin. Tinitigan nila ako ng husto at sa ilang sandali ay nagngitian sila. Ang lapad ng pagkakangiti. Bakit ganito ang mga empleyado ng kompanyang ito?

Ang daming weird!

"Hinahanap niyo po pa si sir John Cloud Ortiga?" ^__^

Marahan akong tumango. Sobrang nanlaki ang mga mga mata ko. Paano niya nalaman? Hindi pa kaya ako nakakapagtanong! Mga manghuhula ba silang lahat dito?

Pwede magpahula ng kapalaran ko? Ang astig nila!

"Pumunta lang po kayo sa sixth floor. Nandoon po sila." ^__^

Bakit ganito sila? Bakit nila binibigay sa akin ang ganitong impormasyon? Weird!

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon