Chapter 3 Not tempted?

2.3K 55 0
                                    

Chapter 3 Not Tempted

 

 

***JHUVEL POV***

 

"WOW, naman. Ang ganda ng kotse mo a." bulalas ko habang panay ang hampas ko sa bagong modelo ng sasakyan ni Analine.

Hindi ako makapaniwala na bibili siya ng bago kasi, masyadong die hard iyon sa luma niyang kotse na boxer. May sentimental value daw e.

"Ipapa-scrap daw iyon ni Mom, oras na iyon ang gamitin ko." Nakangusong usal niya.

Huwag na kayong magtaka kung bakit magkasama kami ngayon. Pati siya ay pinadalhan din ng invitation card. Dapat daw ay si Tita Esmeralda ang dadalo kaso ni-rayoma lang ang matanda. Iyan ang mother ni Analine.

Sikat ang mga pamilya namin e.

"Kawawang Annie." ^__^

"Kesyo luma daw kaya ganoon.... E iyon kaya ang birthday gift sa akin ni Dad nang nabubuhay pa siya."

Pansin ko na saglit na lumungkot ang mga mata niya. Marahan kong tinapik ang balikat niya.

"O, siya... Umalis na tayo. You know naman. Excited na ako na makita siya." ^__^

"Oo na. Mas excited ka pa kesa sa akin." Ngumiti rin siya sa wakas.

Kapwa kami lumulan sa kotse niya.

"Matagal pa ba tayo?" hindi mapakaling tanong ko habang tumatanaw sa dinaraanan namin. Masyado akong excited.

^__^

Hindi ko mapigilan ang sarili na maramdaman ito. Sa wakas, makikita ko na rin ang babaeng ayaw sa isang tulad ko.

Dinig ko pa naman. Maganda daw siya at napakasopistikada. Malay ko kung sabi-sabi lang. Tapos pangit pala siyang talaga. Humanda ka mamaya. Makakatikim ka sa akin ng matatamis na kutya. Bwahahaha!

"Ikaw naman, masyado kang atat." =__=

"Hindi ko lang kasi maiwasan." ^__^

"Ikaw pa. Ang kaabnormalan mo."

"Kung makalait ka diyan." I pout. "Mas abnormal si Rowiena kesa sa akin"

Ang tinutukoy kong si Rowiena ay isa sa nalalabi ko pang kaibigan. Kung ako ay ipinanganak na walang-hiya, ang isa namang iyon ay napaka-mysterious. Kapag siya na ang magsasalita. Parang yanig ang buo naming pagkatao.

>__<

Scary!

"We’re here."

Napalingon ako bigla kay Analine, na ngayon ay papalabas na ng kotse. Sumunod naman ako sa kanya. Kapwa kami nakasuot ng gown. Iyong kanya simple lang ngunit hindi mo maiiwasang mapatingin sa kanya ang mga kalalakihan.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon