Chapter 7 Galit si Ulap sa AKIN

1.8K 53 0
                                    

Chapter 7 Galit si Ulap sa AKIN, He's Alien Girl

***JHUVEL POV***

GUSTO kong kamutin ang ulo ko. Nakalimutan ko kasi kahapon si Jonathan. Argh! Ang sama ko. Paano ko nagawang kalimutan ang lalaking iyon?

Nawili ako sa kakaikot sa mall kasama si Ulap. Aish! Bulilyaso! Kaya heto ako ngayon... Nagbibihis, kasi kailangan kong bumawi sa batchmate ko.

Nakakahiya naman kung hindi kami makapasyal ng maayos. Mapagalitan pa ako ni Papa. Aish!

Kinuha ko ang bag ko at ang aking camera. Isinilid ko sa bag ang mini camera ko. Hindi ko dadalhin ang malaki. Mahirapan pa ako sa pagbuhat.

Basta lumabas na ako at nagpahatid na kay Atasha sa mall. Ang bilis ng pagda-drive niya. Nakarating kami agad. Kapwa kami bumaba.

"Tawagan niyo na lang ako Mistress oras na may mangyaring hindi maganda sa inyo." Seryosong wika ni Atasha. Kasabay niyon ay yumuko siya. "Paalam na po!"

Nawe-werduhan talaga ako sa kanya. Hindi na ako sumagot pa. Sumakay na siya sa kotse at pinasibad na iyon palayo sa akin.

Naglakad na lang ako papasok sa mall. Naghihintay na doon si Jonathan.

Aish! Hassle!

Nilingap ko ang paligid. Sa di kalayuan ay nakita ko siyang nakaupo sa sementong upuan. Agad ko siyang nilapitan.

"Jonas!" sigaw ko.

Bahagya siyang tumayo at sinalubong ako. "Mabuti naman at nakarating ka." ^__^

Pansin ko, ang pagkakangiti niya... Para siyang nahihiya.

"Sorry kahapon ha." Kinamot ko ang ulo ko saka bumilat sa kanya. "Nalito kasi ako kahapon.... Kasi ang gulo e."

"Okay lang naman sa akin."

"Saan nga pala tayo ngayon?" nagsisimula na kaming maglakad.

"Saan ba ang gusto mo?" Ayan ulit siya. Ang hinhin ng pagkakangiti niya.

"Mang Inasal na lang tayo." ^__^

"Huh?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

May masama ba sa sinabi ko? Hindi naman weird hindi ba? Hindi porket mayaman ay sa high class restaurant na kami pupunta.

"A-ano...." >__<

"Hmm?" ^__^

"Kung hindi mo mamasamain... M-may alam akong restaurant... K-kung ayaw m-mo naman ay okay lang naman k-kung..."

"Saan ba?" agad kong tanong. Baka maabutan kami ng siyam-siyam oras na hintayin ko pa siyang makatapos magsalita.

"S-sa VIZE restaurant... K-katatayo lang nit..."

"Oops!" awat ko sabay taas ng kamay. Nosebleed ako sa kakautal niya.

Nagtatakang sinulyapan niya ako. Nginitian ko lang siya, sabay baba ng kamay.

"Hinga ng malalim."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Huminga siya ng malalim.

"Magsalita ka na!" utos ko.

"B-bakit ba..."

Nakamot ko ang ulo nang hindi oras. Sa tuwing pakikinggan ko siya, ay parang pati ako ay mabubulol rin. Wala sa sariling hinampas ko ang likod niya.

"OUCH!" aniya, sabay sapo sa balikat niyang hinampas ko. "What was that for?"

Kailangan ko ba talaga siyang saktan para lang tumuwid ang pagkakasalita niya? Aish! Nginisihan ko na lang siya.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon