Chapter 8 Date Tayo... Ulap!
***CLOUD POV***
GIGIL na kinagat ko ang binili kong inasal na nakatinda sa tabi-tabi. Nasa amusement park ako ngayon. Nakikihalubilo sa mga tao.
Hindi naman nila ako mamumukhaan dahil naka-disguise ako ngayon.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain nang may nakita akong naglalandiang couple. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanila.
"Honey, ang ganda mo talaga." Nakangiting inakbayan ng lalaki ang babae.
"Ikaw naman honey... Napakabolero mo talaga..." Tila kinikilig na wika ng babae, sabay kurot sa katabi niya.
"It’s the whole truth..." ^__^
"Oo na. Naniniwala na ako!" ^///^
"Ayan... I love you honey ko." ^__^
"I love you too.">///<
Nagyakapan sila. Tsk! Nakakadiri, ang sakit sa mata nilang pagmasdan. Tumayo na lang ako. Oras na katukin ako ay baka sirain ko ang relasyon nilang dalawa. Sa gwapo kong ito, tiyak kong iiwan niya ang kasama niyang lalaki.
Huwag niyo akong sisihin kung maging ganito ako ka bitter. Sabihin niyo nga! Tama ba, na maglandian sila sa harap ko?
Tsk! Nakakainis!
Hindi niya ako sinundan. Mas pinili niya ang pangit na ka date niya. Mas gwapo naman ako doon.
>__<
Nanghihinang napaupo ako. Bakit ang saklap ng buhay? Bakit?
(Sino yan?)
(Pakawala sa mental?)
(Tingnan mo nga... Ang gwapo!)
(Aanhin mo ang gwapo kung may sayad naman?)
(Pwede ng pagtiyagaan yan!)
(Hindi siya pagkain!)
(Pansin niyo... may kamukha siya...)
Napaangat ako bigla ng tingin at sinulyapan ang nagbubulungang BEE. Napagkamalan na pala akong baliw. Aish! Kawawa naman ako.
(Ang gwapo!)
(Oo nga!)
Ngumiti ako sa kanila ng alanganin at marahan na tumayo. Sa ginawa kong pagngiti ay nagsigawan sila na parang nanalo sa lotto.
BINABASA MO ANG
BLS#4: Photographs(COMPLETED)
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #4 PHOTOGRAPHS >Jhuveleen (Jhuvel) Illustre>>>>>>>>> Cloud x Jhuvel Lovestory