Chapter 28 Pikit Mata
***JHUVEL POV***
ABALA ang lahat sa pag-aasikaso ng engagement party namin ng mapapangasawa ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Ilang araw na rin ang nakalilipas magmula ng itaboy ko ang taong gusto ko. At kagaya ng hiniling ko sa kanya, hindi na siya nagpakita.
Huminga ako ng malalim. Nandito ako sa Ospital. Balak kong bisitahin uli si papa. Ang sabi ng Doctor ay maaari na raw siyang lumabas. Kaso bukas na lang daw. Para hindi daw siya gaanong ma-stress. Baka daw makisali siya sa pag-aayos ng walang kwentang engagement na iyon.
Aish! Marahan kong binuksan ang pinto. Tulog na naman si Papa. Ang himbing ng pagkakatulog niya. I sit beside him. Inabot ko ang isa niyang kamay at idinampi iyon sa pisngi ko.
"Pa..." Uminit na naman ang bawat sulok ng mga mata ko. "Huwag mo akong iiwan ha."
Kumurap ako ng ilang ulit. Ayoko ng umiyak. Ang sakit na kasi sa mga mata.
"Aattend ka pa kasi ng... ng..." Bakit ang hirap sabihin? Parang nakakabobo ang salitang iyon. "K-kasal ko."
I bit my lower lip. Papakasal ako kahit na iba ang mahal ko. Na kahit ikamamatay man ito ng puso ko! Suminghot ako. Ako lang itong pumapayag na umaangal pa. E kasi naman.... Argh! Ang hapdi na sa mata itong ginagawa ko.
"Pagaling ka pa ha?" I kiss his hands. Marahan ko iyong binitawan at tinungo na ang labasan. Pagsara ko nun ay inilapat ko doon ang likod. When I close my eyes. I remember him... My Ulap. Ang luhaan niyang mukha at ang mga sinabi niya sa akin.
"A-alien girl..... Mula ngayon.... iiwasan na kita... Kagaya ng hinihiling mo... Kaya naman sana... M-maging masaya ka na..."
Nagpadaosdos ako sa pinto hanggang sa mapaupo na ako sa sahig. Tumungo ako sabay yakap sa sarili. Ang pinipigil kong luha kanina ay tuluyan ng bumagsak.
Paano ako magiging masaya kung wala ka na!
Tumingala ako sabay pikit ng mga mata. Bakit napakahirap para sa akin na tanggapin ang lahat? I wipe my tears. Ayaw tumigil sa pagpatak.
Sobrang napalapit na si Ulap sa puso ko. Kaya hindi ko siya mapakawalan kaagad. Hindi ko siya magawang kalimutan. Ganoon siguro kapag nagmamahal ka. Oo nga't ayoko sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko na hanap-hanapin siya.
I bit my lower lip. Bakit ba kasi naging ganito ang kapalaran ko? Ayoko talagang ikasal. Ayokong ikasal.
"Ayokong ikasal..." wika ko sa pagitan ng pag-iyak. Iniuntog ko ang ulo sa pinto. Hindi ko nilakasan baka kasi magising si papa at matanong pa niya ako kung bakit ko inuuntog ang ulo ko. Tiyak kong hindi ko siya masasagot.
Ipinikit ko na naman ang mga mata habang panay ang untog ko sa pinto. Ang gulo ng utak ko. Pumayag na ako nang nakaraang araw pero ngayon panay naman ang pagrereklamo ko.
BINABASA MO ANG
BLS#4: Photographs(COMPLETED)
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #4 PHOTOGRAPHS >Jhuveleen (Jhuvel) Illustre>>>>>>>>> Cloud x Jhuvel Lovestory