Chena's POV
Tahimik ang buong paligid. Ang maririnig mo lang na ingay ay ang hagaspas ng hangin. Kahit hindi ko nakikita ang hangin pilit ko tong inaaninag dahil naaalala ko ang babaeng mukhang anghel.
Agad umingay ang paligid ng mawala ang malakas na hangin. Napatingin ako sa school na pinapasukan ko.
Mga estudyante na parang walang nangyari. Mga estudyante na inaalala kong bakit sila nandito.
Ang dating magulo at makalat na lugar ay bumalik sa dati, napakalinis at napakabango ng hangin. Ang mga punong nagbagsakan ay malakas at makisig na nakatayong muli, mga dahon na naglaglagan ay bumalik sa dating kinalalagyan.
Napaangat ang ulo ko sa mga estudyanteng nagsalita.
"Omygawd anong nangyari kay ash?"
"Omy why are they like that? Para silang namatayan."
"Look!! Kasama nila si vidaaa"
They really love what they doing. Maybe, murmuring is their hobby.
Napahawak ako sa pisngi ni ash.
"W-wake up" bulong ko pero walang nangyayari.
"I don't know why she need to do that" gigil na sambit ni Ronnie na ngayon ay nakaluhod.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na parang nawalan ng buhay.
"Because she love ash" sagot naman ni nikko. Si ash na nakahandusay, habang nakahiga sa lap ko. Si Vida na nasa left side ko. Si Tristan na nasa right ko habang nakasandal ang ulo niya sakin. Si Ronnie na nasa harapan namin habang nakaluhod si Nikko na nakatayo sa likuran ni Ronnie at si benedict na nasa tabi ni Ronnie. Para kaming tanga..
Agad umangat ang ulo ko sa nagsalita.
"Omygawd what happen to my son?" Gulat na sigaw ni tita. Agad tumakbo palapit kay ash at hinawakan ang pisngi niya.
Agad ding lumapit ang lolo at papa ni ash na may gulat na mukha.
"Anong nangyari?!" Isang malakas na sigaw ng lolo ni ash.
Pilit naman siyang pinapakalma. Agad ding inutusan ni tita ang mga tauhan nila para buhatin si ash at dalhin sa hospital.
Wala padin kaming imik. Nakayuko padin silang lahat.
Humangin ng malakas na siyang ikinangiti ko ng mapait. Agad nagflash sakin ang mga sinabi ni angel heart sa huling pagkakataon.
FLASHBACK------
"Queen please hindi ka pweding mawala ng walang kamalay malay si ash" mahinang pakiusap ni Benedict. Ngumiti lang si snow white at umiling.
"Hindi na ako pweding magtagal.. "
Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit siya..
"Nikkoo.. Thank you, kasi unang kita mo palang sakin mabait kana agad. Wag kang magbabago ha? Soon mahahanap mo rin yong babaeng mamahalin mo" nakangiting sambit niya at nag flying kiss pa.
Agad siyang pinagkunutan ng noo ni nikko.
"What are you saying?" takang tanong ni nikko ngunit ngumiti lang si snow white atsaka bumaling kay Tristan.
"Alam ko namang ayaw mo sakin kasi ayaw sakin ni chena, wag kang mag alala the feeling is mutual" sambit niya sabay tawa pa. Atsaka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Mahal mo si chena? Ligawan mo na. May mga bagay na dapat hindi na inaasa kay tadhana. Mahirap maunahan" nakangiting sambit ulit niya atsaka bumaling kay Benedict.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Girlfriend
FantasíaAngel heart, ang nag iisang prinsesa sa Kingdom of air. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan na wala sa lahat hinirang siyang Prinsesa, bukod dun siya ang nag iisang anak ng hari at reyna. Sa pagiging pilya, at makulit na babae sa Kaharian ipinatapo...