Chapter 1

31 2 0
                                    

[AN: First few chapters will be all flashbacks. Sana magustuhan niyo.]

12. 15. 12

"Mommy, sige na christmas gift lang." 

My 8 year-old self convincing my mom to buy a gift for my crush. Tugging her shirt, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko mapa-oo si mommy.

"Anak ano ba? Ang bata bata mo pa." Sagot ni mommy.

"Eh mommy, crush lang naman po eh tsaka po uso ngayon sa school magbigay ng gift sa classmate." Pangungumbinsi ko.

"Allana, isa." Pagbabanta ni mommy.

"Promise po, one time lang. Please?" Sagot ko naman na may halong pagpapacute. Hindi ako matitiis nito. One...two...three...

"Hay nako Allana! Maaga akong tatanda sayo!" Sabay hatak niya sa akin papasok ng department store sa mall kung nasaan kami ngayon. Yes!

"Oh anong nangyayari dito?" Biglang may nagsalita sa likod namin.

"Daddy!" Takbo ko papalapit sa pinaka mabait kong tatay.

"Eh kasi yang anak mo Rodrigo, ang bata bata lumalandi na!" Napapikit ako dahil nagsisimula ng tumataas ang boses ni mommy. Oh no! Narinig ko namang sinita ni Daddy si Mommy.

"Ano ka ba naman Mala, may bata tapos yang mga salita mo." tapos tiningnan ako ni Daddy. My mom just rolled her eyes at nagpatuloy na sa pamimili ng damit na pang boys. Natawa ako sa aking isipan, kahit galit si Mommy alam kong pumapayag pa rin siya.

"Baby, ano na naman ba kasi ang kinukulit mo sa Mommy mo." masuyong tanong ni Daddy sakin. Napayuko naman ako, nahihiya.

"Eh kasi po may gusto lang akong bigyan ng christmas gift." mahinang sagot ko.

"Sino ba yan at talagang gagastos pa kami ng Mommy mo?" patuksong tanong ni Daddy sabay sundot sa tagiliran ko.

"Daddy! Crush lang naman po!" agad kong tinakpan ang bibig ko. Yan tuloy! Dapat girls' secret lang namin ni Mommy yun! Natawa naman si Daddy at hinila ako papalit sa kanya sabay masuyong niyakap.

"Baby, 8 years old ka palang pero may crush ka na. Siguraduhin niya lang hindi ka niya papaiyakin ha! Pababayaran ko yang regalo mo." Banta ni Daddy na ikinagulat ko.

"Daddy anong paiiyakin! Oa mo naman!" Sabi ko.

"Ahh, oa pala ah." Sabay kiliti sa akin. Biglang lumapit sa amin si Mommy na may dalang paper bag.

"Allana sinasabi ko talaga sayo pag mauulit to, kukurutin na kita sa singit." Sabay bigay sa akin ng paper bag na alam kong iyon na ang regalong binili nila para sa crush ko.

"Mommy one time lang diba!" Sagot ko naman sabay akap sa kanilang dalawa ni Daddy.

"Oh sige na, mana ka talaga sa tatay mo." sabay pasimpleng kurot sa tenga ni Daddy.

"Halina kayo't nagugutom na ako." Sabi ni Mommy at nauna ng maglakad.

Yes! Excited na talaga ako sa Christmas Party namin. Sana magustuhan to ni LJ!

ScaredWhere stories live. Discover now