Chapter 6

5 1 0
                                    

"Bruha ka!" ani ni Pati sabay hila ng buhok ko. Kinukwento ko kasi sa kanya ang nangyari noong nagka-aminan kami ni LJ sa playground. Ngayon ko pa lang kasi naikwento sa kanya dahil parati naming kasama si LJ at hindi ako maka tiyempo. Kinukulit niya nga ako sa text pero mas gusto kong ikwento sa personal para with feelings talaga. Haha!

"Oh eh bakit hindi natin siya kasama ngayon?" epal ni kutong Lucas. I rolled my eyes. Eto na naman at mang-iinis na naman to sa akin dahil wala si LJ. Alam niyo mas lalo yang naging epal simula noong may ka-MU na ako. Aba't parating tumatawag sa bahay kaya tuloy parati akong napapagalitan. Kahit naman sabihin kong si Lucas ang tumatawag, napapagalitan pa rin ako. Eh kesyo ba't daw kailangang mag telebabad pa sa bahay eh nagkakasama naman kami sa school. Muntik na tuloy akong kunan ng cellphone!

Hindi ko na siya pinansin at tumuloy sa pagkukwento kay Pati.

"Busy si LJ ngayon kasi malapit na ang foundation day natin. Alam mo naman, student council president." sabay buntong hininga ko. Active talaga si LJ simula pa noong elementary kami, minsan nga sinasabihan siyang "Teacher's Pet" ng ilan kasi daw palaging nakabuntot sa mga teachers namin. May ilan pang binubully siya kasi mataas lang daw ang grades dahil sipsip sa teachers.

Pero nunka at nagtatagal ang mga issues na iyon, sa dami dami ba naman naming nagmamahal sa kanya hindi lumalagpas ng isang araw ng hindi namin napapagsabihan ang mga kutong lupang nagkakalat ng masasamang salita kay LJ at kabilang na dito ang kutong Lucas na katabi ko ngayon!

"Ang sabihin mo, nagpapaimpress na naman yang panot na LJ na yan para mataas ang grades ngayong midterms." sabay tawa ni Lucas. Binatukan ko naman siya at inis na kinurot sa tagiliran.

"Napaka mo talaga!" bulyaw ko. Agad naman niyang hinuli ang mga kamay ko at binelatan ako. Ang pangit talaga!

"Alam niyo kayo, kung hindi ko lang talaga alam na head over heals si Allana kay LJ, iisipin kong may something sa inyo eh. Tumigil na kayo!" sita sa amin ni Pati.

Ew! As if naman! Never in my life kong naisip na maging more than friends kami ni Lucas no! Siya pa siguro at hindi ko naman siya masisisi kasi maganda naman talaga ako.

"Nako Patricia, huwag na huwag mong binibigyan ng ganyang ideya si Allana at baka mag-katotoo!" diring diri pang kumento ni Lucas. Sus! Bigwasan ko siya diyan eh!

Sasagot pa sana ako nang mahagip ng mata ko si LJ na papalapit na sa amin. Agad nagbago ang mood ko at ngumiti. Nakarinig pa ako ng ilang mura kay Lucas at tukso naman galing kay Pati pero hindi ko na sila pinansin dahil nakatuon lamang ang atensyon ko kay LJ.

"Kanina pa kayo dito?" tanong niya agad nang makalapit sa amin. Agad namang tumayo si Pati sa inuupan niyang katabi ko at lumipat sa harap ni Lucas. Ngumiti ako ng malapad sa kanya bilang pagsang-ayon sa ginawa niya. Hay napaka supportive talaga ng bes ko! Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Lucas.

"Obvious ba?" sarcastic niyang sagot kaya naman siniko ko siya.

"Haha! Nakakatawa talaga to si Lucas, alam mo samahan mo nga ako bigla akong nauhaw eh." sabat ni Pati at agad na hinila si Lucas palayo. Nagrereklamo pa ito pero wala siyang choice dahil pwersahan na siyang hinila ni Pati.

"Pasensya ka na kay Lucas ha." hingi ko ng paumanhin. Ngumiti lang siya at tinanong kung tapos na ba kaming kumain ng lunch. Tumango ako at tinanong din siya.

"Tapos na ako. Nag working lunch kami kanina kasama ang ibang miyembro ng student council. Pasensya ka na ha, hindi kita nasamahan." nahihiya nitong sabi.

"Ano ka ba! Okay lang no, naiintindihan ko naman. Tsaka kasama ko naman ang mga kaibigan ko." sabi ko para pagaanin ang loob niya. Hindi naman kasi talaga ako nagtatampo sa mga ganitong bagay.

Dahan dahang hinawakan ni LJ ang mga kamay ko na siya namang ikinakaba ko. Hindi ko alam pero ganito talaga ang nagiging reaction ko sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o inaakbayan niya ako. I mean, normal lang naman ito diba? Itong mga ginagawa niya? Kasi magka-MU naman kami. And besides, baka initial reaction ko lang ito kasi bago pa sa akin ang lahat.

Bigla ko na namang naisip sina Mommy at Daddy, at hindi ko mapigilang hindi maguilty sa mga pinanggagagawa ko. Hindi nila alam na may MU na ako, kasi alam kong kahit ito ipagbabawal nila sa akin. 

Kinalma ko ang aking puso at tinitigan na lamang ang mga mata ni LJ. Bahagya akong bahala sa nababasa ko sa mga mata niya. May idea ako kung ano ang gusto niyang gawin at tila para siyang nanghihingi ng permiso. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ngunit parang nalulunod na ako sa kanyang mga tingin. Para ngang kami nalang dalawa ang nandito sa cafeteria, hindi ko na napansin ang mapanuring tingin ng mga tao. Ang alam ko lang at ang klaro lamang sa akin ay ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin.

Ano bang gagawin niya? Hahalikan niya ba ako? O baka may tinitingnan lang siyang maigi sa mukha ko? Hindi ko alam. At kung ano man ang binabalak niyang gawin ay hindi ko alam kung bakit parang nababalisa ako. It's so uncomfortable that I don't know what to do anymore. Hahayaan ko ba siya? Okay lang ba talaga?

Ngunit bago pa matuloy ang lahat, nabigla ako nang may pwersang humila sa akin patayo. Hindi ko alam pero bigla akong nakahinga ng maluwag. Para akong nailigtas sa isang kapahamakan.

Nagloloading pa din ang utak ko kahit na biglang nagkaroon ng gulo sa harapan ko. Ang tanging naiintindihan ko lang ay ang paghila sa akin ng marahan ni Pati at pagdala sa akin sa mas tahimik na lugar.

Tinatanong niya ako kung okay lang ako ngunit hindi ako makasagot. Tiningnan ko lamang siya kahit ang dami daming laman ang isipan ko. Sa sobrang dami parang biglang nag shut down ang utak ko at biglang nandilim ang paligid.

--

AN: Sobrang spontaneous lang ng story na to kaya humihingi ako ng paumanhin kung hindi tuloy tuloy ang pag update ko. Sana magustuhan niyo pa rin ang takbo ng story!

PS. I'm also open to any comments and suggestions! #TeamLucas or #TeamLJ? 

ScaredWhere stories live. Discover now