Chapter 7

5 1 0
                                    

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang gulong pasimuno ni Lucas. Hindi ko alam pero tuwing naiisip ko iyon, nagiguilty ako. Pasimuno nga ni Lucas ang gulo pero alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkagulo. Nakita niyang muntik na akong halikan ni LJ sa harap ng maraming tao kaya agad niya akong hinila at tinulak si LJ.

Sabi ni Pati, pinigilan niya si Lucas pero talagang hindi nagpaawat ang kaibigan namin at lumapit. Nagkasuntukan daw si LJ at Lucas dahil doon pero iyon lamang ang nakita niya at agaran na akong hinila paalis dahil baka daw masali pa kami sa gulo. Buti nalang din daw at nai-alis niya nga ako sa lugar dahil kung hindi ay baka doon pa ako nahimatay at lalo pang nagkagulo.

Siya na rin ang nagdala sa akin sa clinic, sabi niya pa nga bigla raw siyang nagkaroon ng super powers at nabuhat niya ako papuntang clinic sa sobrang pagpapanic niya. Natawa nalang ako nang maalala ko kung paano niya iyon kinwento sa akin, pero agad namang nalungkot nang maalalang hindi ako pinapansin ni LJ o ni Lucas. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa tuwing naiisip ko iyon.

Simula nang makabalik si Lucas mula sa pagkakasuspended hindi na siya sumasabay sa amin ni Pati, at si LJ naman ay hindi ko nakikita dahil parati itong nakatambay sa loob ng Student Council Office. Alam kong busy siya lalo na't tatlong araw na lang bago ang aming foundation day pero noon naman nahahanapan niya pa rin ng paraan para magkasama kami.

Napukaw lamang ang pagmumukmok ko nang may nag abot sa akin ng mineral water. Agad akong napatingin sa harapan ko at buong saya akong tumalon papalapit sa kanya. Kahit epal na epal ako sa isang to pero sobra pa rin akong nalungkot sa hindi niya pagpansin sa akin. Mahigpit akong napayakap kay Lucas at hindi mapigilang maluha sa sobrang pagkamiss.

Akalain iyo 'yon namiss ko din pala ang pangungulit nito sa akin kahit sobrang nabubwisit ako sa ginagawa niya. At mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang mahinang tawa niya at paghaplos sa aking likod.

"Nakakainis ka talaga!" maktol ko at mas lalong hinigpitan ang pagyakap.

"Nagpapalamig lang ako ng ulo, at alam kong alam mo kung bakit ako nagkaganito." paliwanag niya. Oo alam ko nga. Galit siya sa akin dahil hinayaan kong muntik na akong mahalikan ni LJ. 

Alam kong hindi dahil sa pagseselos ang galit niya kundi sa pagiging careless ko at hindi ko man lang naisip na baka pagsisihan ko ang nangyari kung sakaling natuloy nga. At tama siya, pagsisihan ko nga talaga. Hindi pa ako handa sa ganito. Hindi pa ako handang lumevel up ang kung ano man ang meron sa amin ni LJ. Akala ko simpleng pagsasabay lang ang mangyayari, or simpleng pag-uusap lang. Kaso mukhang nagkamali ako dahil may gustong ibang gawin si LJ. Hindi sa akin, kundi sa relasyon namin.

"Hindi na kita papagalitan Allana dahil alam kong alam mo na ang punto ko. 'Wag mo nang uulitin iyon! Para akong aatakihin sa puso!" Oa nitong sabi at kumalas na sa pagkayakap ko. Hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak. Patuloy ang pag-agos ng luha ko kahit pa nakangiti na ako, agaran niya namang pinawi ito at mataman akong tiningnan sa mata.

"Allana Staxey Macaraeg..." malambing niyang sabi. Nakangiti pa rin ako, alam ko na ang sasabihin nito dahil kabisadong kabisado ko na siya. Mahigit apat na taon na kaming magkaibigan at lagi niya itong sinasabi sa akin tuwing napapagusapan namin ang mga crush crush ko.

"Huwag na huwag magmadaling ma inlove dahil darating ang tamang panahon para dito." sabay naming sabi. Niyakap niya akong muli at wala na akong ibang hihilingin pa. Thank you Lord at nagkabati na din kami ni Lucas. Hindi ko ata kakayaning umabot pa ng isang buwan ang pagtatampuhan naming ito. Noon naman kasi kapag nagaaway kami ay pagkatapos ng sapakan, okay na kami agad. Iba talaga 'to at ayaw ko ng maulit pa.

"Hay mabuti naman at okay na kayo. Hindi ko na kayang kumausap sa taong palaging tulala ha!" sabat ni Pati pagkadating niya dito sa playground. 

Nagiging comfort place na namin itong playground ng gradeschool department. Dito kami lagi tumatambay simula pa noong elementary kaming tatlo kaya naman kahit hindi na kami mag usap ay nagkikita pa rin kami dito after class habang naghihintay sa kanya kanyang mga sundo. Actually si Pati lang naman ang naiba sa amin kasi sa kabilang section siya na enroll kaya siya ang laging huling dumadating.

Napabitaw na kami at nilingon si Pati na ngayon ay naluluha ding nakatingin sa amin. Agad naman siyang inasar ni Lucas kaya hindi na natuloy ang pagiging emosyonal niya at lumapit na sa amin sabay akap sa akin ng mahigpit.

"Okay ka na ha? Namimiss ko na yung kakulitan mong bruha ka! Aba, halos mag-iisang buwan ka ng palaging tulala. Hindi na kaya ng beauty ko magmukhang tanga sa tuwing kinakausap kita!" pagmamaktol niya pa. 

Sabay kaming napatawa ni Lucas. Hay sobra ko silang namiss!

ScaredWhere stories live. Discover now