Chapter 8

4 1 0
                                    

Maingay sa loob ng campus ngayon dahil unang araw ng foundation day namin. Kanya kanyang cheer sa mga representatives per cluster. Kabilang ang section namin sa Cluster 3 at kasalukuyan kaming andito sa gym ngayon dahil magsisimula na ang Basketball Game. Elimination round pa ngayon pero lahat ay nagpupursigeng manalo para makabilang sa semi finals. Dagdag points din ito sa buong cluster kapag nakatungtong kahit sa finals lang.

Kabilang si Lucas sa team na representative ng aming cluster. Kinawayan ko siya nang makita kong hinahanap niya kami ni Pati. Agad naman siyang ngumiti at kumindat pa! Kaya naman itong mga nasa likod namin ay panay tili, kala naman nila sa kanila kumindat si Lucas. Hmp! 

Agad kong hinanap si LJ, alam kong hindi siya kabilang sa ano mang cluster dahil siya ang nag-organize ng lahat ng ito. Kahit hindi pa kami nagkakausap ay umaasa pa din akong okay kami. Magaan na ang loob ko at naliwanagan na ako. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo na makausap siya para mapaliwanag ko ang side ko. At para na rin humingi ng tawad sa ginawa ni Lucas.

Nakita ko siyang nag-aayos ng scoresheet at kung ano pang materials na kailangan sa pagrerecord ng game. Kinakausap niya din ang mga referees at iba pang officials ng game. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, miss na miss ko na din siya. Kahit papaano naman kasi ay nagkaroon na din kami ng bond. Special bond. Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya naman napatingin na din siya sa gawi ko. Saglit pa akong nabigla sa pagtama ng aming mata pero agaran ding ngumiti ng makitang napansin niya rin ako.

Nag-excuse siya sa mga officials at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Hala siya. Pupunta ba siya dito? Omg! Bigla akong siniko ni Pati at sinenyasan ako na papalapit si LJ dito. Hala, totoo nga! Nang makalapit naman si LJ ay agad akong napatayo.

"Allana, puede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Natameme ako. Ha? Mag-uusap kami ngayon? Eh magsisimula na ang game. Hindi ba siya hahanapin? At mukhang nagets niya ang pagtataka ko kaya nagpaliwanag siya.

"Nagbigay na ako ng instructions sa kanila, at balak ko talagang kausapin ka ngayon kaya nakapagpaalam na din ako sa moderator namin." Sabay ngiti niya. Hindi na din ako tumanggi dahil alam kong nag-effort siya. Tumango ako at sinabing mauna na siya. Nakasunod lamang ako sa kanya at matamang tiningnan ang likod niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pag-uusapan na ba namin ang tungkol doon sa balak niyang pagkiss sa akin? Alam kong hinanda ko na ang sarili ko sa confrontation namin pero ibang kaba pa rin pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na.

Tumigil kami sa harap ng Student Council's Office, binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok. Nilibot ko na lamang ang tingin ko sa buong kabuuan ng office. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ko kaya naman napalingon na ako sa kanya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin na siya namang ikinabahala ko. I almost take a step back pero naisip kong hindi naman siguro siya gagawa ng hindi ko magugustuhan kaya ngumiti lamang ako.

He stopped when he's almost an inch far from me. Hindi ko na pinansin ang sobrang lapit namin. Ang nasa isip ko na lamang ay ang makausap siya ng maayos.

"Allana..."panimula niya. Hindi ako nagsalita, papakinggan ko na muna ang sasabihin niya. Kinakalma ko ang puso ko habang naghihintay sa sasabihin niya pa.

"Hindi ko alam kung anong problema sa ginawa ko pero naiintindihan ko na gusto mong dahan dahanin natin ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad kung nabastos ka sa ginawa ko, it wasn't my intention Allana. I admit, I really wanted to kiss you because you're so damn beautiful na hindi ko na napansin na nasa public place pala tayo. Ngayon alam ko na how private you are, na kahit makulit ka, pribado ka pa rin lalo na sa mga ganitong bagay." malambing niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok. Kinakabahan na naman ako. Ang init init ng pakiramdam ko and it's not a good feeling. This is so not comforting. Bakit ko ba nararamdaman to sa tuwing hinahagkan ako ni LJ. Gusto ko naman siya diba?

ScaredWhere stories live. Discover now