Chapter 5

6 1 0
                                    

[AN: Puede niyo pong balikan ang Chapter 4 kung nalito kayo sa chapter na ito. May mga konting iniba po kasi ako doon. Thank you!]

--

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Lucas matapos naming magligpit ng cleaning materials sa room. Napansin niya sigurong hindi ko pa dala ang mga gamit ko pero palabas na ako ng room. Agad naman akong kinabahan. Paano ko ba naman kasi sasabihin to.

"Ahh kase..." mahina kong sagot. Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka sa kinikilos ko ngayon.

"Lucas tulungan mo naman ako oh." Sabi ko at lumapit sa kanya. Mag-uusap kasi kami ni LJ ngayon sabi niya kanina tsaka medyo personal daw kaya aligaga ako ngayon.

"Tulungan saan?" pagtataka niya.

"Eh kasi gusto akong kausapin ni LJ. May sasabihin daw siya." Sabi ko at ngumuso. Nahihiya ako kay Lucas kasi dinadamay ko pa siya sa kalandian kong ito.

Medyo nagulat naman ako nang tumawa si Lucas. Ha? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"Hay nako Ali, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa'yo. Oh sige, saan ba kayo mag-uusap?" sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Kung hindi niya lang ako tutulungan ngayon baka nasapak ko na to sa panggugulo ng buhok ko.

"Doon lang sa gradeschool playground!" Masaya kong sagot. Naluluha ako sa napaka supportive kong bff! Teka nasaan nga pala si Pati?

"Wait, nakita mo ba si Pati?" tanong ko.

"Naunang umuwi kasi may pupuntahan pa daw sila ng ate niya." Sagot naman ni Lucas.

"Ahh... ikaw? Wala ka bang lakad?" usisa ko. Baka naman may lakad to at 'di pa matuloy dahil sa pagsama niya sa akin.

"Wala naman. Ano tara na?" Aya niya sa akin. Agad naman akong napangiti at tumango.

"Ako na magdadala ng gamit mo. Sa gate lang ako ng playground maghihintay." Dagdag niya pa. Hay minsan talaga sinasapian ng kabaitan si Lucas at nasaktohan pang ngayon. Saya ko naman!

TAHIMIK ang paligid habang naka upo ako sa swing dito sa playground. Nasa harap ko naman si LJ at parang kino-compose pa ang sarili.

Tiningnan ko siya at ngumiti. Kinilig naman ako nang ngumiti din siya pabalik. Agad naman siyang tumikhim at tumayo ng maayos.

"Alam mo para kang timang. Ano ba kasing sasabihin mo?" Biro ko sa kanya. Ano pa bang hinihintay nito eh alam niya na naman na "OO" ang sagot ko. Chos lang! Hindi naman siya nanliligaw haha.

Natawa siya ng bahagya at lumapit ng konti sa akin. Napahinto naman ako at biglang kinabahan. Nako Lord, ito na ba?

"Allana... gusto ko lang magpasalamat sa mga regalo mo sa akin tuwing pasko. Nakakahiya nga eh kasi ikaw pa itong nagbibigay sa akin." Sabay kamot niya sa batok. Hay nako ang cute! Sarap ibulsa. Sasagot sana ako nang magsalita na siya ulit.

"Matagal na talaga kitang napapansin Allana kaya lang nahihiya ako pero... nang mabigyan ako ng pagkakataong makausap ka hindi na ako nagdalawang isip na gawin itong daan para mapalapit sa'yo." dagdag niya pa.

Hindi ko ma proseso ang sinasabi niya pero isa lang ang klaro sa akin...

"Allana, gustong gusto talaga kita. Sana... sana bigyan mo ako ng chance na ligawan ka." sabay ngiti niya.

Wala na, finish na talaga. Gusto ako ni LJ! Gusto niya din ako! Halo halo ang emosyon ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tulala lamang akong nakatingin kay LJ habang pina-process pa ng utak ko ang isasagot ko sa tanong niya.

ScaredWhere stories live. Discover now