Chapter 2

14 1 0
                                    

12.20.16

Nandito kami ngayon nina Mommy sa Sm para mamili ng mga regalo para sa darating na pasko. Natutuwa ako dahil pasko na naman, araw ng pagbibigayan at araw kung saan ramdam na ramdam mo ang saya at pagmamahal ng lahat.

Masaya akong naglalakad habang may tinitipa sa cellphone ko. Eh kasi itong bes ko, nagpapabili ng regalo para sa boyfriend niya. Sana all may jowa. Napabuntong hininga ako sa naiisip ko. Mahigpit kasing ipinagbabawal nina Mommy at Daddy na hindi ako puedeng magka boyfriend hanggang matapos ng college. Naiintindihan ko man ang rason nila pero minsan naiingit din ako sa mga kaibigan at kaklase ko pero ano nga bang alam ng isang twelve years old na katulad ko ang magmahal ng ibang tao maliban sa pamilya ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Napatitig ako sa pangalang naka rehistro sa cellphone ko.

Lucas calling...

Nako! Isa pa to! Ayaw tumigil kakakulit sa akin na manood kami ng sine. Sinagot ko nalang ang tawag dahil alam kong hindi naman ako titigilan ng asungot nato.

"Lucas hindi nga puede. Ayoko nga!" Pabulong ngunit matigas kong sabi. Kasama ko ngayon sila Mommy at baka magtaka pa sila kung sino ang katawagan ko.

"Ali, one time lang sige na. Manonood lang naman tayo ng sine eh tapos-"

"Tapos ano Lucas? Hindi mo ba naiintindihan na hindi nga puede." agad kong putol sa sasabihin niya pa sana.

"Eh kilala naman ako nina Tita eh. Allana apat na taon tayong magkaibigan ang oa mo naman. If I know ayaw mo lang makita tayo nung crush mong panot." Saway niya. Nakakagigil! Nakakastress sa bangs talaga tong kutong lupang to!

"Pakyu ka ba!" Bulong kong mura sa kanya.

"Hala saan mo natutunan yan Allana ha? Susumbong kita kay Tita." I mentally rolled my eyes. Hindi talaga ako titigilan ng isang to kaya...

"Ikaw ang magpaalam kina Mommy kahit alam kong hindi naman papayag ang mga yon. At anong sinasabi mong panot si LJ! Ang gwapo kaya niya hindi katulad mo parang kuto ang sarap tirisin! Ibababa ko na to wala ka talagang kwentang kausap!" At agad kong pinatay ang tawag. Nakakasira ng araw!

Nakabusangot akong sumunod kina mommy. Sarap talaga tirisin nung gagong yon nakaka bad vibes!

"Oh baby, anong nangyari dyan sa mukha mo?" salubong sa akin ni Daddy.

"Baby ka dyan. Dalaga na kaya ako." sagot ko na ikinatawa nila ni Mommy.

"Dalaga ka dyan. Baby ka pa kaya. Kahit malapit na lumabas tong kapatid mo, baby ka pa rin namin." paglalambing ni Daddy at kinurot ang pisngi ko.

"Aray! Ano ba yan kaya lalong lalaki tung pisngi ko Daddy eh palagi niyo kasing kinukurot. Aasarin na naman ako ng kutong Lucas na yon." maktol ko. Nagkatinginan naman sina Mommy at Daddy.

"Allana baka may hindi ka sinasabi sa amin ha." pang-iintriga ni mommy.

"Mommy, friends lang kami ni Lucas no tsaka hindi kaya nawala ang pagkacrush ko kay LJ! Parang love ko na ata siya eh, kasi sabi nila pag 3 years mo nang crush ang isang tao, love na daw yun. Eh Mommy 4 years ko na kaya siyang crush." Pagpapaliwanag ko. Bigla namang oa na suminghap si Daddy.

"Anong love love pinagsasabi mo baby! 12 years old ka pa lang! Kakadugo mo pa nga lang tas inlove ka na!" Oa niyang sabi. Sinampal naman siya ni Mommy pero mahina lang.

"Bibig nito oh." Sabay baling sa akin ng natatawa.

"Manang mana talaga sa tatay. Hay nako Allana, mag focus ka sa studies mo. Wag yang mga crush crush na yan inaatupag mo. Alam kong naiinggit ka sa mga kaklase mo pero kung mag-aaral ka ng mabuti-" hindi natapos ni Mommy ang sasabihin niya ng nagsalita ako.

"Mahahanap mo ang taong magmamahal ng tapat sayo. Yes mommy, memorize ko na yan." Hagikhik ko. Bigla niya na naman akong kinurot sa tagiliran.

"Alam ko yang iniisip mo Allana at hindi. Kada pasko nalang ha, sabi mo one time lang nung walong taong gulang ka." Sabay pandilatan ako ng mata.

"Eh mommy sige na. Tsaka maraming nagkakacrush kay LJ ngayong highschool na kami. Marami na akong kakompetensya!"

"Hala siya. Nako Rodrigo talaga yang anak mo manang mana sayo." Sabay lakad ni Mommy papuntang Men's wear.

Asus! Ikaw na talaga ang the best mom ever!

ScaredWhere stories live. Discover now