Chapter 3

7 1 0
                                    

12.12.18

Tahimik akong nagwawalis sa loob ng aming classroom ngayon. Uwian na at cleaners ako sa araw na ito. Napabuntong hininga ako. Nagaalala na kasi ako kay Mommy dahil kabuwanan na niya ngayon.

Dalawang araw na sila sa ospital pero ako naiwan sa bahay para bantayan ang dalawang taong gulang kong kapatid kasama ang tita ko. Pangatlo kong kapatid ang ipapanganak ni Mommy ngayong buwan. Natutuwa ako dahil lumalaki ang pamilya namin kung dati rati lang naiingit pa ako sa mga pinsan ko pero ngayon lima na kami sa pamilya.

Natigil ako sa pagwawalis nang may tumapik sa mga balikat ko. Nagulat ako sa nakita ko paglingon ko. Napapikit pa ako dahil baka nananaginip lang ako.

Oh my gosh, totoo na ba to Lord? Aamin na ba si LJ sa akin?

Naputol lang ang pagdedaydream ko nang magsalita siya.

"Uhh Allana right?" Tanong niya sa akin.

Oo at ako ang mapapangasawa mo. Iyan sana ang isasagot ko pero baka mapatay ako ni Daddy ng wala sa oras. Tumango nalang ako, namamangha pa rin sa mga nangyayari dahil first time to!

Oo first time niya akong kinausap maliban sa simpleng 'thank you' na natatanggap ko tuwing binibigay ko ang christmas gift ko sa kanya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay parang hindi alam kung paano sasabihin ang sadya niya.

"Ahh anong kailangan mo sa akin?" Mahinhin kong tanong. Syempre dapat demure tayo no!

"Ano kasi, itatanong ko lang kung..." napakamot siya ng ulo.

"Nako wag kang mahiya sa akin. Anong itatanong mo?" Nakangiti kong sabi. Grabe hindi talaga ako makapaniwala na kinakausap ako ng long time crush ko! Ikukwento ko to kay bes at Lucas. Ha! Yung Lucas na 'yon, kala niya ha.

"Itatanong ko kung...puede bang ano." Natahimik siya saglit. Ako naman hinihintay lang ang sasabihin niya.

"Puede bang hingin ko ang number mo?" Sabay kamot niya sa batok. Nabilaukan ako. Ano daw? Number nino? Number ko? Lord, ito na ba talaga ang simula ng pagbabago ng buhay ng isang Allana Staxey Macaraeg? Lord napa early naman ang christmas gift niyo!

Tumikhim ako para maibsan ang kilig bago nagsalita.

"Ahh bakit mo hihingin ang number ko? Hindi kasi ako pinapayagan na basta-basta nalang ibigay ang contact number eh. Alam mo na strict parents." Sabay hagikhik ko. Nataranta naman siya sa sinabi ko.

"Ah kasi may hihingin sana akong pabor at ikaw lang alam kong makakatulong sa akin." Nahihiya niyang paliwanag.

"Ano ba yon?" Kuryoso kong tanong. Sasagot na sana siya kaso biglang may sumigaw.

"Bes! Bilisan mo na dyan! Manganganak na ang Mommy mo. Halika na-" biglang natigil si Pati nang makita niya kung sino ang kasama ko.

"Ay sorry, pero bes ayaw ko mang guluhin ang moment niyo pero pinapatawag ka na ng Daddy mo. Nasa labas na din si Lucas, siya ang maghahatid sa atin sa ospital." Sabay hila sa akin ni Pati. Saglit kong binawi ang kamay ko sabay lapit muli kay LJ.

"Ilagay mo dito ang number mo, itetext nalang kita kapag nakarating na kami sa ospital." Sabay abot ko sa cellphone ko sa kanya. Agad naman niyang inilagay ang number niya, napangiti ako. Yes! Lord kahit nagmamadali kami, masaya pa rin ako.

"Bes tara na!"

Tumango si LJ at nagpaalam naman ako saka tumakbo na kasunod ni Pati.

Merry Christmas talaga sa akin!

ScaredWhere stories live. Discover now