Chapter 9

4 0 0
                                    

AN: Tinanggal ko ang prologue kasi nag-iiba na yung takbo ng story. Sinimulan ko kasi ito ng hindi pa finalized lahat, sabi ko lang sa sarili ko na magsusulat ako. Sabi ko nga sobrang spontaneous ng storyng ito, kung anong papasok sa utak iyon ang sinusulat ko. Ngayon parang may direksyon na ang lahat kaya tinanggal ko na muna ang prologue. Ibabalik ko na lang kapag natapos ko na ang story hehe! 

Sana maintindihan niyo :)

---

Habol ang hiningang tinahak ko ang daan papuntang Principal's office. Ngayon kasi ilalabas ang list of honors para sa nalalapit naming graduation. Syempre naman kahit malandi tayo ngayon, hindi dapat kinakalimutan ang studies no!

Mula noong elementary pa lang ako, kasali talaga ako sa honors' list kaya nga din sobrang naging strict sina Mommy dahil gusto nilang imaintain ko ang pagiging honor. Minsan pinapalad maging first pero kadalasan nasa pangatlo o pang-apat ako and it doesn't matter. The fact that I am part of the list is already a blessing. Madaming gustong masali pero hindi pinapalad, kahit gaano pa kapursigeng mag-aral. Ang dami naman kasing matatalino dito sa school, iyong first honor nga namin palaging halos hakot lahat ng special awards tuwing recognition.

Muntik pa akong madapa ng halos maabot ko na ang bulletin board kaya buti nalang ay nahila ako ng tao sa likod ko.

"Lucas!" hinihingal kong bati.

"Andito ka para sa results no?" tanong niya. Masaya akong tumango at tiningnan na ang bulletin board. Kinakabahan ako habang hinahanap ang pangalan ko, kahit kasi lagi akong nasasali, hindi pa din ako nagiging kampante.

Allana Staxey Macaraeg... Allana Staxey Macaraeg... Allana Staxey Macaraeg... paghahanap ko at nakahinga nang makita sa wakas ang pangalan sa listahan ngunit bahagyang nadismaya nang makita ang katabing numero.

"Oh! Lumevel up ka ngayon Ali ha!" sabay gulo ng buhok ko. Napabuntong hininga ako, goal ko kasi ngayong graduation ay maging Valedictorian naman. Hay! Iyan nakukuha mo sa kakalandi eh! Pangaral ko sa sarili.

"Hala? Ba't parang di ka masaya?" pagtataka ni Lucas sa reaksyon ko. Napabuntong hininga akong muli at tinitigan ang honors' list. Napadako ang tingin ko sa top 1 at biglang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino. Mas lumapit pa ako upang tingnan kung totoo ba ito o baka namamalik-mata lang ako. Seryoso ba to? o baka isang malaking prank lang?

Agad akong napalingon nang tumawa ng malakas si Lucas sa likuran ko, kaya naman inis ko siyang binalingan. Siya may pakana nito??

"Prank na naman ba 'to Lucas Jaxxon?!!" bulyaw ko. Tawa lang ng tawa si Lucas at hinila na ako paalis.

"Lucas ano ba? Seryoso ka ba? Paano?" nagtataka at inis ko pa ring tanong sa kanya. Natigil na ito sa pagtawa ngunit nanatiling mapaglaro ang tingin nito.

"Para namang sinasabi mong ang bobo ko nito Allana ha." pabiro nitong sagot. Binatukan ko siya at nauna ng maglakad. Bahala siya sa buhay niya! Naiinis pa rin ako! Paanong nangyaring siya ang top 1? At siya ang valedictorian?! Nakakainis!

"Sandali nga!" natatawa pa rin nitong tawag sa akin at mas lalo akong naiinis! Parang ang saya saya niya pang naisahan niya ako ah! Nilingon ko siya at inis na inirapan. Hindi ko siya inimik habang papalabas kami ng gate kahit kanina pa siya nagsasalita.

Hindi naman sa naiinggit ako, sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala na naunahan ako ng kutong lupang ito! Akalain mo 'yon? Hindi naman siya nag-aaral, puro lang kalokohan ang ginagawa, and mind you, araw-araw sa computer shop! Paanong naging siya ang valedictorian ng batch namin?!

Well, okay. I admit na kasali din naman siya lagi sa honors' list at minsan nasa 2nd or 3rd ito pero kadalasan kasunod ko ito sa ranking. Ako ang nauuna, pagkatapos ay siya. Tinanong ko pa siya noon kung bakit ayaw niyang imaintain ang pagiging 2nd niya, ang sagot niya lang ay idol niya ako kaya dapat ako ang nauuna. Kita mo na!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ScaredWhere stories live. Discover now