"Mahal kita pero tama na"

524 6 0
                                    

Mahal,mahal na mahal kita
Hindi ko alam kung gan'on karin ba
Dumating na ang panahon na kinakatakutan ko
Ang mawalan na ako ng pake sayo
Pero naisip ko na ayos lang pala
Dahil ginaya lang naman kita

Mahal,mahal na mahal kita
Pero ayoko na talaga
Hindi mo alam kung gaano kasakit
Ang unti-unti mong pagpunit
Sa puso ko na wala namang ibang ginawa kundi ang kumapit
Kumapit sayo,kumapit sa relasyong ito
Kahit na ramdam ko ang unti-unti mong paglayo
Paglayo sa piling ko
At pagbitaw sa mga kamay ko

Ngunit hindi ko pinagsisihan na nakilala kita
Dahil minsan mo 'rin akong napasaya
Minsan ka'ring naging dahilan ng aking pagtawa
Ikaw ang naging sandalan tuwing ako'y lumuluha
Masyado akong nasanay sa iyong prisensya
Kaya noong nanlamig ka
Wala na akong nagawa

Noong una hindi ko alam  kung kakapit pa ba ako
O bibitaw na at susuko sa'yo
Ngunit ngayon alam ko na ang dapat gawin ko
At yun ay ang lumayo na sayo
Patawad kung sumuko na ako
Kung hindi ko na natupad ang aking mga pangako
Patawad mahal,ngunit hindi ko na talaga kaya
Oo.Mahal kita pero tama na

Para sa'yo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon