"Malaya"

291 4 0
                                    

Sa gabing ito,wawakasan ko na
Wawakasan ko na kung ano man ang meron sa ating dalawa.
Kahit hindi pa natin ito nasisimulan
Kahit pa na ako ay masaktan


Dahil ito ang tamang gawin
Kaya nararapat lang na ito'y atin nang tapusin.
Kahit pa gaano natin kagusto ang isa't-isa
Kailangan talaga nating magpalaya


Humihingi ako ng pasensya
Dahil hindi ko natupad ang aking mga binitawan na salita
Mga pangako kong napako
Mga pangakong napakalabo


Bago ko tapusin itong ang aking tula
Gusto ko lang sabihin na mahal kita
Sana maging masaya ka kahit na ang dahilan ay iba
Mahal kita ngunit malaya ka na

Para sa'yo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon