TANGA.'Yan ako.
Isa akong malaking tanga para maniwala sa'yo
Oo,tanga ako para maniwala sa mga pangako mo
Oo,tanga ako para umasang ikaw ay magbabago
At oo,tanga ako dahil nagmahal ako ng katulad moTanga ako dahil wala akong tinira sa sarili ko
Tanga ako dahil ikaw lang ang inintindi ko
Oo na tanga na ko. Tanga na ko dahil minahal kita ng totoo
Habang ikaw pala ay pinaglalaroan lang ako
Sobrang tanga ko dahil hindi ko man lang nahalata na niloloko mo na pala ako
Ang tanga tanga ko dahil ginagago mo na 'ko, kinikilig pa ako
Tanginang katangahan to sakin pa talaga umepektoPero tingin ko hindi lang naman ako ang tanga dito
Tanga ka din dahil ginago mo lang ako
Ako na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng buo
Ako na lagi lang nandyan para sayo
Ako na nasa tabi mo noong mga panahong halos talikuran ka na ng mundo
Ako,ako yun,ako na sinayang moHindi ka lang tanga,isa karing malaking gago
Ang gago mo para sayangin ako
Gago ka dahil sinaktan mo ako
Gago ka dahil pinakawalan mo pa ko
Ang gago mo dahil ginago mo lang ang isang katulad ko na handang magpakatanga para lang sayo
BINABASA MO ANG
Para sa'yo (On-going)
Poetry"Para sa'yo" Compilation of Tagalog poems and spoken word poetry.Hope you'll like it!