Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na ang binigay Niya
Akala ko hindi mo ako iiwanang mag-isa
Akala ko kasi iba ka
Pero katulad ka lang din pala nilaAkala ko hindi ka susuko
Akala ko totoo lahat ng 'yong mga pangako
Akala ko tayo na hanggang dulo
Akala ko lagi ka lang nandyan sa tabi ko
Pero ba't bigla ka nalang naglahoAkala ko hindi ka na maghahanap ng iba
Akala ko sapat na ako para maging masaya ka
Akala ko ako lang mag-isa
Akala ko ako lang ang sinasabihan mo ng 'mahal kita'
Pero pinagsabay mo pala kaming dalawaAkala ko talaga ikaw na
Pero lahat ng 'yun akala lang pala
BINABASA MO ANG
Para sa'yo (On-going)
Poetry"Para sa'yo" Compilation of Tagalog poems and spoken word poetry.Hope you'll like it!