Mahal,naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Sinabi mo saakin dati
Na dito ka lang palagi sa aking tabi
Na hindi mo ko iiwan kahit anong mangyari
At dahil nga mahal kita ika'y
aking pinaniwalaan
Pinaniwalaan ang mga pangako mong kailanma'y di na maisasakatuparan
Dahil nga ako'y iyong iniwan ng biglaanMahal,sana naman nagiwan ka ng babala
Babala na ako'y iiwan mo na
At di na babalik pa
Kasi nagmukha akong tanga
Sa kakaasa na ikaw ay babalik pa
Sa kakaasa sa walaSana naman sinabi mo
Sana naman naisip mo na merong 'ako' na maiiwan sa pag-alis mo
Pero wala eh,sino ba naman kasi ako
Ako lang naman ang babae na minahal ka ng buo
Ako lang naman etong nandiyan parati sa tabi mo
Ako lang naman ang naging takbuhan mo nang talikuran ka na ng lahat na tao
Ako lang naman 'yunMahal,sabi mo dati walang hanggan to
Sabi mo hanggang huli tayo
Sabi mo hindi ka susuko
Sabi mo hindi ka magsasawang intindihin ako
Pero siguro nga hanggang dito nalang tayo
Siguro nga ito na ang ating dulo
BINABASA MO ANG
Para sa'yo (On-going)
Poetry"Para sa'yo" Compilation of Tagalog poems and spoken word poetry.Hope you'll like it!