"Isa,dalawa,tatlo"

331 11 0
                                    

Isa,dalawa,tatlo
Teka luha wag ka munang tutulo
Hayaan mong masabi ko sa madla
Itong ginawa kong tula
Nang hindi ako lumuluha


Minsan sa gabi
Ako'y nagmumuni-muni
At naiisip ang mga nangyari
Kung ano ang aking naging mali
Kung nagkulang ba ako sayo
O hindi ka lang talaga marunong makuntento


Dahil alam ko
sa sarili ko
Na ginawa ko ang lahat
Minahal kita ng buo pero di parin sapat
Nagmahal naman ako ng tapat
Pero bakit ang dating matamis ay unti-unting naging maalat


Kaya hindi ko maiwasang maging mapait
At makaramdam ng hinanakit
Sayo noong ako'y iyong pinagpalit
Paano mo nagawang kalimutan ang ating mga ala-ala
Habang ako ay kasalukuyang inaala-ala pa'rin sila
Bakit ganon nalang kadali sayong ako'y palayain
Habang ako ay naiwang minamahal ka pa'rin

Para sa'yo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon