⭐CHAPTER 2

37 3 0
                                    

ZERAH'S POV

"Oy Bree, sorry na..kausapin mo na ako, oh." Pakiusap ko kay Bree. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Nandito kami sa GD (Girl's Dormitory) kanina pa at simula kaninang umaga pa niya ako hindi pinapansin. At kanina pa ako nagso-sorry sa kaniya.

"Aubrey, sorry na kasi." Pakiusap ko ulit, pano ba naman 'di ako pinapansin. Nakatingin lang siya sa phone.

"Sabihin mo muna sa akin kung ano ang sinabi ni Bryan." Kung ako nagso-sorry, siya naman, yaan lagi ang sagot.

"Wala nga, Bree, wala siyang sinabi."

"Hindi ako naniniwala."

"Wala nga sabi.."

"Imposible naman yon Zee. Alam mo bang nagtatampo ako dahil feeling ko may tinatago ka sa 'kin. Impossibleng walang sabihin si Bryan! Alam ko kung ano dapat ang pag-uusapan namin! I send some threats to her girlfriend. Yeah, I threatened her! Kasi mababaliw ako 'pag wala si Bryan! Kaya Zee sabihin mo na sakin!" Sigaw niya sa akin habang umiiyak.

Di ko alam na totoo pala yung sinasabi ni Bryan. Imposible kasi, eh. Alam kong 'di niya magagawa yon pero heto siya, inaamin ang nagawa niya.

"Aubrey 'wag kang tanga! Alam mong 'di nagustuhan ni Bryan ang ginawa mo! Alam mo bang, awa na lang ang kayang ibigay sayo ng lalaking yon?! Nagbanta pa siya na ipakukulong ka niya 'pag hindi mo tinigilan ang girlfriend niya!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Baliw na nga siya. Ngayon pa nga lang alam ko ng nasasaktan siya sa nangyayari. Paano pa kaya pag nalaman niyang pinagpustahan lang pala siya.

"Gusto mong malaman kung ano ang sinabi niya?! Baliw kana! Ang sabi niya baliw kana! May problema ka na sa pag-iisip! Maawa ka naman sa sarili mo Aubrey! Magpagaling ka at kalimutan ang lalaking yon!" Sigaw ko ulit habang lumuluha. Awang-awa na ako sa kaniya. Hindi ko kayang sabihin ang totoo sa kaniya. Takot ako na masaktan siya. Para ko na rin siyang kapatid.

"Parang awa mo na Bree ako na ang nakiki-usap sa 'yo. Pride mo na lang ang meron ka. Kaya please sumuko kana sa kaniya at magpagaling ka. Nandito pa kami ng kuya mo... Aalagaan at mamahalin ka namin." sabi ko. Nakita ko naman siyang tumatango habang umiiyak. Yinakap ko siya at mas lalo pa siyang umiyak.

The Untold Story Of A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon