⭐CHAPTER 7

19 2 2
                                    

ZERAH'S POV.

"Rigel gusto kong lumabas." Pangungulit ko sa kaniya.

"No." Pagtanggi niya.

Andito kami sa loob ng silid ko. Inip na inip na ako dito. Siya naman ay nagbabasa ng kung ano-ano. Marunong pala siyang magbasa.

"Sige na, please." Pangungulit ko pa. Nagbabakasakaling pumayag siya.

"No."

"Please." Pacute ko pa.

"No." Sagot niya habang patuloy parin sa pagbabasa.

"Sigiiiii naaaaaa." With matching pabebe style pa yan, ah. Ayoko naman maburo dito sa apat na sulok ng silid na 'to.

"Bakit ba gustong gusto mong lumabas?" Tanong niya sa akin

"Malamang naiinip ako dito duh!" Inirapan ko siya. Seryoso kanina pa'ko nangungulit sa kanya ayaw akong payagan.

"Pero alam mo naman mapanganib hindi ba?" Pagpapaalala niya. Tama siya. Sinabi nya na sa akin na ang mga hukom ay mapanganib kesyo kukunin nila ako sa kanya blahblahblah.

"kasama naman kita, eh. Saka sabi mo bibigay mo lahat ng gusto ko?" Konti na lang papalukpukin ko na itong bituin na ito, eh. Ang hirap pakiusapan.

"No." Sagot niya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Tsk! Puro ka no!no!no! Yun lang ba ang alam mong sabihin? Wala kang ginawa kundi tanggihan ako sa gusto ko." Inirapan ko siya sa inis. Padabog akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Naiinis ako sa kaniya. Hmp!

"Blebleblehahahachuchuvavachuchu! Beng beng! Kring kring! Enggggggggg!" Pangiinis ko sana madistract siya sa binabasa niya. At ang mokong walang pakialam. Argh!

"Eiiiiii! Weeee! Krungkrung! Eklabush! Tantananan! Wingwingwing! Pushhhhhh! Bleh!" Pagpapatuloy ko pa. Bumabakas sa mukha niya ang pagkainis.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at humanap ng kung anong bagay na makakalikha ng nakakainis na tunog. Nakakita ko ang upuan na kahoy sa tabi ng mesa. Hinawakan ko iyon saka itinaas baba para makalikha ng tunog.

*Blag!*

*Blag!*

*Blag!*

Syempre sa pag-iingay ko ayun tentenen! Bigo ako! Nakakainis. Binitawan kona ang upuan at lumapit sa closet. Binukas-sara ko iyon para makalikha ng ingay.

Tiningnan ko ang reaksiyon niya pero mga beh! Wala! Deadma aketch! Pero 'di pa rin nawawala ang fighting spirit ko noh. Pero narealize ko sa ginagawa ko, ako lang ang naiinis, eh. Ang tibay eh! Ni hindi man lang niya akong nagawang tapunan ng tingin! Saklap mga beh!

Nagsawa ako sa pag-iingay kasi hindi naman niya ako pinapansin. Sayang lang ang effort ko. Bukod sa naiinis ako, napapagod pa ako. Lugi ako. Wala na! Finish na! Tapos na! Anong konek? Psh.

The Untold Story Of A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon