ZERAH'S POV.
"Zerah Louise Buenavista! Ano ba?! late na tayo! Hindi ka pa ba babangon dyan?!?" May yumuyugyog sa'kin. Eto nanaman kami! Ng bespren kong mas matilaok pa sa manok tuwing umaga.
"...." -ako.
"Hoy babae ano ba!? Wala ka talagang balak bumangon diyan?!! HUHUHU ZEE!"
"...."
Wala akong pake, ang sarap ng tulog ng tao eh. Distorbo. 'Di ako babangon dito.
"Ah ganon 'di ka talaga babangon?! Tatawagan ko si--" -si Aubrey na may pagbabanta ang boses. Pero siyempre dahil alam ko kung sino yung tatawagan niya babangon ako. Tss
"Aubrey kahit 5 minutes lang oh! Puyat ako.." Pakiusap ko. Sabay balik sa paghiga. Makagising naman kasi parang hindi kami nakadorm ah. Diyan lang naman sa ututan yung school, kahit kailan ang OA talaga ng babaeng 'to.
"Hindi pwede Zee! 'Di ko maaabutan si Bryaaaaaan! Paano na lang ang effort kong magpaganda kung 'di naman niya makikita ngayon!? At saka alam mo naman na hindi ko kaya na mag-isa 'pag nakita ko si Bryan mahihimatay ako sa kagwapuhan niya! Kaya Zee bumangon kana diyan kundi isusumbong kita kay Kuya Oli!" Ade lumabas din ang totoo. Daming arte tsk. Pero WHAAAAT?! kay Oli? Dali dali akong bumangon dahil nagpantig talaga ang tenga ko ng marining ko ang pangalan ng lalaking yun.
"Babangon na eto na! Ke aga aga para kang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses mo. Tss. Tabi, maliligo nako." Bumangon na ako ng tuluyan dahil baka mareklamo kame dito sa dorm dahil sa lakas ng boses ni Aubrey.
"Babangon din pala, pinatagal pa. Bilisan mo ah? Sasamahan mo pa ako kay Bryan. Hindi na ako makapaghintay na makita ang Bryan ng buhay kooooooo."
"Oo na alis, ang laki mong harang diyan."
"Okii tenchuu beshyy. Labyu"
Dumiretso nako sa cr dahil atat na atat na si Bree na makita ang dakila niyang Ex. Yeah, you read it right. Head over heels parin si Bree sa Bryan Lim na yun kahit sinaktan na sya. Yun ang dahilan kung bakit nasabi niya na hindi niya kaya na wala ako 'pag gusto niyang makita si Bryan dahil hanggang ngayon umaasa parin sya na magkabalikan sila ni Bryan. Aubrey Chiriko Evans, ang kawawa kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of A Star
Science FictionWhat will happen to a simple girl who suddenly fell in love with a wishing star? Credits to @viowence Thank you so much for the wonderful cover God Bless You! Lovelots! Date started: September 2, 2018.