ZERAH'S POV.
"Hi. I'm Scuti, you are?" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang magpakilala.
Tinanggap ko naman ang kamay niya. Akala ko kung ano na.
"Hello. I'm Miraseti." Pakilala ko.
"Long time no see." Kilala niya ako?
"By any chance...do you know me?" Natigilan naman siya sa tanong ko pero nakabawi din.
"Uh, nope. I mean nice to meet you." Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Magkahawak parin kami ng kamay pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan.
Nahihirapan nanaman akong huminga.
"Yung...kamay ko." Paalala ko sa kaniya. Nakatitig lang kasi siya sa akin at parang walang balak bitawan ang kamay ko.
"Oh, I'm sorry. May naalala lang ako sa'yo." Mukhang natauhan naman siya at binitawan na niya ang kamay ko.
"Ah, okay lang. Kung hindi mo mamasamain...ano naman ang naalala mo?" Tanong ko sa kaniya. Baka kasi konektado sa akin at malaman ko ang tunay kong pagkatao. Baka sakaling may maalala ako.
"My lo-" Naputol siya ng biglang may tumawag sakin. Si Cass.
"Miraseti!" Halata ang takot sa mga mata niya. Tumakbo siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Scuti..." Kinakabahang usal niya. Nanlalamig din ang kamay niya.
"Oh Cassiopeia long time no see. How are you now? How was your brother?" Ako lang ba o talagang nakangisi siya habang tinatanong iyon kay Cass?
"I don't know." Kinakabahang wika ni Cass. Para bang may pumipigil sa kaniyang magsalita.
"Teka magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hey Scuti!" Napalingon kaming lahat sa tumawag sa pangalan ni Scuti. Sampung matatangkad na lalaki ang naglalakad papunta sa gawi namin.
Narinig kong nagbulungan ang mga bituing nakaagaw din ng pansin sa mga paparating na kalalakihan.
"Nandito na sila."
"Bakit sila andito? 'Di ba suntok sa buwan kung magpakita ang mga matataas na bituin?"
"Hindi ko din alam. Baka may sinadya talaga sila dito?"
"Mayron kayang nagkasala?"
"Kinakabahan ako."
"Nakakatakot ang presensya nila."
"Baka naman isa sa inyo ang nagkasala ah."
"Uy hindi ah."
"Ang hirap huminga kapag nandiyan sila."
Biglang nahawi sa dalawa ang mga kumpon ng mga tao. Bakit ganoon na lang silang matakot sa mga lalaki na ito?
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of A Star
Science FictionWhat will happen to a simple girl who suddenly fell in love with a wishing star? Credits to @viowence Thank you so much for the wonderful cover God Bless You! Lovelots! Date started: September 2, 2018.