A/N.
Flashback po ito. Kadugtong ng flashback last UD.THIRD PERSON'S POV.
~FLASKBACK~
Pumasok ang isa sa labing isang mga hukom ng bulwagan. May labing isang pinakamalalaking bituin sa kalawakan na tinatawag na hukom ng mga minor lang na bituin. Sila ang humuhusga at nagpaparusa sa mga nagkasalang bituin. Bilyong bilyong taon na silang nabubuhay at ngayo'y patuloy pa rin sa pagkinang.
Pinangungunahan ng pinakamalaking bituin na si Uy Scuti (Red Hypergiant), sumunod ay sina VY Canis Majoris (Red Hypergiant), Betelgeuse (Red Supergiant), Antares (Red Supergiant), Pistol Star (Blue Hypergiant), Rigel (Blue Supergiant), Aldebaran (Orange Giant), Arcturus (Orange Giant), Pollux (Orange Giant), Sirius A, at Sun (Yellow Dwarf).
Nagpatawag ng pulong ang pinakamataas na bituin.
"May 'di magandang nangyayari." Wika ng kapapasok pa lamang na hukom na si Sun.
"Sang-ayon ako diyan. May biglaang pagtigil ng oras sa isang planeta." Wika ng isa na si VY Canis Majoris habang nag-iisip.
Si Canis Majoris ay nakatingin lamang, ang pangalawa na pinakamataas sa kanilang lahat. Nagmamasid sa paligid. Nakikinig ng mabuti. Kinakalkula ang bawat galaw ng mga hukom.
"May enerhiya akong nararamdaman. Mukhang may isang pangahas na bituin ang nagkamaling pasukin ang mundo ng mga mortal." Asal ng isa na si Rigel.
"Mukhang katukayo mo pa ang nagkamali at pangahas na iyon." - Sirius A.
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of A Star
Science FictionWhat will happen to a simple girl who suddenly fell in love with a wishing star? Credits to @viowence Thank you so much for the wonderful cover God Bless You! Lovelots! Date started: September 2, 2018.