ZERAH'S POV.
"Rigel, saan mo ako unang dadalhin, hmm?" Tanong ko habang hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko. Naglalakad kami pero hindi ko alam kung saan ang aming paroroonan.
"Hmm... Saan mo ba gustong unang pumunta?" Tanong niyang nakatingin sa akin habang naglalakad. Ang lakas ng dating niya kapag nakapamulsa siya.
"Gusto ko kasing mamili ng damit. May mall ba dito?" Pag-aalangang tanong ko. Malay mo kasi wala eh.
"Meron." Tipid niyang sagot.
"Omg! Seryoso? Tara na bilisan mo diyan." Sabi ko sabay takbo para mauna sa kaniya.
Nang makarating kami sa mall hindi ko maiwasan ang hindi mamangha.
"Woowww! Ang ganda dito, Rigel!" Sabay hampas sa braso niya.
Napatawa lamang siya siguro ay dahil para akong batang ngayon lang inilabas ng kaniyang ina."Hindi ko inaasahan na may mall dito at ang ganda-ganda pa!" Puri ko pa sa lugar.
Yung lugar...parang familiar siya sa akin pero 'di ko matandaan kung kailan ko iyon nakita.
Sobrang liwanag dito hindi katulad ng mall na makikita sa planetang earth. Dito organized ang lahat. Para siyang isang malaking lugar na pinalilibutan ng iba't ibang buildings at mayroong park sa gitna.
Kada buildings may naka-assigned na mga bilihin katulad na lamang ng nasa harap ko. Building siya ng mga damit. Kada floor iba't ibang klaseng damit ang nakadisplay. Ganun din naman sa iba pang building may iba't ibang klase kada floor kaya marami kang pagpipilian. Gusto ko dito. Sobrang gusto ko dito.
"Rigel halika! Gusto ko doon." Hila ko sa kanya habang nakaturo sa gitna kung saan nandoon ang park. Ang ganda ng fountain dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw.
Inilibot ko ang aking mata at natuwa ako ng makakita ako ng ice cream shop.
"Oh! May ice cream din dito? Ang galing! Akala ko pa naman wala. Rigel, gusto ko noon. Ibili moko, please." Pakiusap ko habang nagpapacute. Gumana ka...
"How can I resist you? Besides I'm your wishing star...no need to plead." Naglakad siya papunta sa tindahan ng mga ice cream habang ako'y nakasunod lang sa kaniya.
Sobrang nae-excite ako.
"Two chocolate flavor in a cone please." Hinintay kong magbayad si Rigel sa tindero pero inilahad lamang ng tindero ang kaniyang kamay at ipinatong ni Rigel ang palad niya.
Iniabot na sa amin ang ice cream at nag-umpisa nadin na maglakad si Rigel. Hinabol ko siya para sitahin.
"Hoy hindi pa ito bayad, ah. Magbayad ka kay manong bituin." Ano 'to? eat and run?
"It's already paid. Just eat."
"Paanong paid na eh hindi naman kita nakitang nagbayad?"
BINABASA MO ANG
The Untold Story Of A Star
Science FictionWhat will happen to a simple girl who suddenly fell in love with a wishing star? Credits to @viowence Thank you so much for the wonderful cover God Bless You! Lovelots! Date started: September 2, 2018.