⭐CHAPTER 3

25 3 0
                                    

ZERAH'S POV

Nagising ako na masakit ang ulo. Pagmulat ng mga mata ko ay hindi ko alam kung nasaan ako. Bumangon ako at nagmasid sa paligid. Isang puting kwarto ang aking namataan. Walang tao.

Ngunit ang kama ay kakaiba. Para siyang old style na kama na pang prinsesa. May mga ukit ito sa mga gilid na mas lalong nagpaganda dito. Ang kulay nitong kulay pink ay mas lalong nakapag-paganda dito at madaling matutukoy na silid ito ng isang babae. Napansin ko din na nakasuot ako ng bistidang puti.

Nakaramdam ako ng pagsikip ng paghinga. Hindi naman siya ganoon kasikip. Para lang akong nahihirapan sa paghinga at nawawalan ng kaunting hangin.

"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili.

Pilit kong inalala ang nangyari kanina. Biglang pumatak ang mga luha ko ng 'di alam ang dahilan. Bakit ako umiiyak? Nakakapagtaka. Inalala kong pilit pero wala na akong maalala.

"You're awake." Napatingin ako sa gawi ng pinto. Isang lalaki ang bumungad sa akin. Isang napakagwapong lalaki, ngunit di ko siya kilala. May katangkaran siya. Pamilyar sa akin ang kaniyang tindig ngunit 'di ko lang maalala kung saan ko iyon nakita.

"Who are you? Why am I here? Where am I?" Sunud-sunod na tanong ko sa kaniya nang tuluyan na siyang pumasok. Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Pinatong niya ang tray ng pagkain na kaniyang dala na ngayon ko lang napansin.

Unti-unting nawala ang pagsikip ng paghinga ko ng makalapit siya. Gumiginhawa ang aking paghinga. Weird.

"You're at my place. How's your sleep?" His place? Ibig sabihin bahay niya ito? Paano naman ako napunta dito?

"Answer me. Who are you?" Matigas na sabi ko. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon. Lalo na't di ko siya kilala. Nag-iingat lang.

"Are you hungry? How was your sleep?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Where am I?" Balik tanong ko sa kaniya.

"I told you. You're at my place." Medyo iritado na niyang sagot. Ako din naiirita na dahil lahat ng tanong ko, sasagutin niya din ng tanong.

"Bakit ako nandito?" Imbis na sagutin ako ay kinuha niya ang isang mangkok na puno ng 'di ko maintindihan na pagkain. Inabot niya sa akin 'yon ngunit tinitigan ko lang.

"Eat. You've been sleeping for three days. You must be hungry." Paano ko kakainin 'yon eh, hindi ko naman kilala yung pagkain na'yon. Baka may lason pa 'yon. Saka tatlong araw akong tulog? Naiinis ako dahil wala akong maalala.

"T-tatlong araw? Bakit ang tagal naman yata? Ano bang nangyari?" Tinitigan niya ako. Wala ba talaga siyang balak sagutin ang mga tanong ko?

Itinapat niya ang kutsarang puno ng pagkain sa bibig ko. Sinyales na isusubo niya iyon. Tinabig ko 'yon at tumilapon yung kutsara sa kama dahilan para tumapon at kumalat ang pagkain. Alam kong masamang magsayang ng pagkain. Eh sa naiinis ako.

"Hindi ko kakainin yan hanggat di mo sinasagot ang mga tanong ko." Banta ko. Baka sakaling matakot siya. Nagulat naman siya at nakita kong malungkot ang kaniyang mga mata.

Tahimik niyang nilinis ang nagkalat na pagkain sa kama. Pagkuwan ay tumingin siya sa akin.

"Please...eat. Don't worry there's no poison in this food. Trust me." Paano niya nalaman na yun ang iniisip ko sa pagkain? At nagulat ako sa kalungkutan ng boses niya. Para bang ang tagal-tagal na niyang nakakulong sa kalungkutan.

The Untold Story Of A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon