Chapter 2

40 6 0
                                    

Syrsh

"Shana! anak. Gumising kana diyan! Male-late ka na sa una mong klase!" Sigaw ni manang.

Anak tawag samin ni manang eh hehe ba't ba.

"Ah! Manang naman, masakit sa mata." Hinawi niya na kasi ang kurtina sa kwarto ko.

"Maghanda ka na ha!" Huli niyang sabi saka lumabas ng kwarto ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang maligo at mag-ayos. Pagkapunta ko naman sa kusina ay nakita ko roon ang dalawa 'kong kapatid (kambal) na kumakain na kaya't nakisalo na din ako sa kanila.

"Oh. Ayusin niyo ang pag-aaral niyo ha." Ani manang.

"Yes manang/Opo manang." sabay-sabay naming sagot.

Matapos kumain ay inihatid na kami ng driver namin sa sari-sarili naming school.

Hinahanap niyo siguro ang parents namin? Wala sila. Nasa ibang bansa.

Pagkadating ko sa University na papasukan ko, dumeretso agad ako sa bulletin board at ayun!

"Besss!!"

Napalingon ako dahil sa boses na narinig ko.

Si Alli.

"Yow?" Bati ko pero sinalubong niya lang ako ng mahigpit na yakap.

"Where have you been? Are you fine now? Does your heart hu--"

"Ayos na'ko. We're in the same class right? Arat na!" Putol ko sakaniya.

Ayaw ko nang pag-usapan 'yon, Alli..

Nagsimula na kaming maglakad-lakad upang hanapin ang room namin and there it is!

Pumasok na kami. Umupo kami sa unahang upuan. Nasa may tabi ako ng bintana.

Medyo madami-dami na din ang nandito. Madaming kaklase ko ngayon ay kaklase ko din last year.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang adviser namin.

"Okay. Goodmorning class. I am your adviser, Mrs. Grant."

Tinawag niya ang lahat ng apilyedo at kami itong taga-sabi ng present hanggang sa narinig ko ang hindi ko ninais marinig.

"Mr. Silvestruez."

"Present."

Sht.

"Bakit natin kaklase yan? Di naman siya kumuha ng exam para sa Sci-Sect." Pabulong kong tanong kay Alli.

Napalingon naman siya sakin at napataas ang kilay.

"Well---"

"Okay. Don't speak na." Putol ko.

Nagpatuloy na si Mrs. Grant sa pagtawag sa aming mga apilyedo.

At eto, nagpatuloy-tuloy na. Mabuti at walang introduce yourself na nalalaman ngunit..pagsapit ng ibang subject. May introduce, introduce na.

Mayroong ipakilala ang sarili tapos ikukumpara ang sarili dipende sa asignatura. Meron din naman nagsabi ng characteristic mo na nagsisimula sa first letter ng name mo. Basta. So creative.

Dumating ang break time, magkasama nanaman kami ni Alli sa Canteen. Hm.

"Aray!" May nakaapak ng paa ko!! Pero di naman ganun kasakit hehe.

"Sorry." Lalakii!

Kaklase ata namin 'to!

Well, infairness, hindi halata sa mukha pero ang fluent niya mag english.

Lumipas ang ilang oras at natapos na agad ang klase.

Hindi na muna kami lumabas ni Alli kaya dumiretso na ako sa bahay. I met new friends yeah. And a boy caught my eyes..hep! eyes not heart. He's so cute. He's our classmate, btw.

Le'mme describe him to all of you. May salamin siya pero hindi siya mukhang nerd. Maliit, mga hanggang noo ko lang. Matalino sigurooo. Tahimik. Syempre cute and sige gwapo na rin.

Ps: I'm not referring to the one who accidentally stepped my foot. By the way, kaklase nga namin yung nakaapak sakin kanina.

~2nd Day~

2nd day ng klase. Pinakanta kami ng isa naming professor. And that cutie boy I mentioned yesterday, he has a good voice. I need to know what's his name so I can add him on my social media accounts. Okayy.

Hindi 'to alam ni Alli. Ewan ko pero mukhang wala akong balak sabihin sakaniya 'to.

Buti at inutasan ni Mrs. Grant yung nakaapak sakin sa paa, temporary class president namin na maggawa daw ng group sa facebook. Edi nicee. Hanapin ko nalang siya mamaya roon.

Pagkauwi sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Binuksan ang laptop. At ayun!

"Jyrix Kyro Rewis invited you to join the group."

Tadaaa! Oo. Haha! Friend ko na sa social media accounts ko yung iba. Halos lahat na. Kasi nga yung iba kong kaklase ngayon, kaklase ko na din last year.

Ang pagkakaalam ko, kaklase nito yung cute li'l boy. So sure akong kasali na agad yun dito.

Zafronte..Zafronte...

"Ayun!"

Oopps.

Asher Gyllan Zafronte.

"Wow. Okay. Haha." Bulong ko.

In-add ko kaagad siya. Pagkatapos non, sinarado ko na muna yung laptop ko at bumaba na upang maghapunan. Pagkatapos maghapunan ay nagpaturo na agad ang kambal. Kami nga, wala pa masyadong ginagawa.

Matapos ko naman sila turuan ay umakyat na'ko upang tingnan kung inaccept na niii Asher? Gyllan? Yah.

Ahm...

Ahaha. Na-confirm na akooo.

Dahil walang online na kaklase namin bukod sa kaniya, chinat ko na. Palusot hehe.

Shana Syrsh:
Gyllan.

Asher Gyllan:
Asher nalang. Bakit?

At ayun. Nagtanong na nga ako tungkol sa mga pinagsasabi ng mga professors namin kanina hanggang sa napunta sa iba't ibang topic. Kesyo ang ganda daw ng boses ko kahit mas maganda naman yung boses niya. Ist day palang ng pagchchat namin, kumportable na agad ako sakaniya.

2nd day ng pagchachat, close na agad kami pero di pa kami nagpapansinan sa personal. Lumipas ang anim na araw. Tinry ko siyang kausapin sa personal dahil doon sa napag-usapan namin na itatry niya daw ipakita sa'kin yung drawing niya na animés. Pero ayun, hindi daw niya magawa e haha XD.

Naging mabilis din naman sa amin ang magpansinan sa personal. Hm. We shared our past to each other and so I figured out na torpe siya XD at yung akin nalaman niya na ex ko si Mr. Silvestruez...

I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental AreaWhere stories live. Discover now