Syrsh
Dear self, bawal kang magpahalata. Kunwari hanggang best friend lang ang tingin mo sakaniya.
Hay self, bawal marupok!
Kasalukuyang naglalakad papunta sa direksyon ko si Asher kaya nman tinuon ko kunwari ang atensyon ko sa librong binabasa ko.
Maya-maya ay naramdaman ko na may tumabi sa'kin ngunit nagkunwari ko na hindi ko ito naramdaman.
"Not sure if you know this~"
Owemjii, nakanta nanaman siya!
"But when we first met~
I got so nervous~
I couldn't speak~""Hay, busy ka nanaman diyan sa pagbabasa." sabi nito sa'kin na parang wala siyang inamin.
Bakit ganun ang mga lalaki? Ang lakas ng loob nila? Samntalang kaming mga babae.. Ang hina.
"Uyyyy!" sinundot niya ako sa tagiliran kaya napatingin ako sakaniya.
Act Normal!
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naman napatawa siya.
Nagkunwari pa din akong nagbabasa dahil hindi ko talaga kaya. Ang bilis ng tibok ng puso ko!
Baka inaasar ka lang naman kasi self! Kunwari gusto ka pero hindi pala!
Joke! Ang seryoso nga pala ng usapan niyo kagabi haha~
"Kausapin mo muna ako." Sabi nito sa'kin.
Alam niyang kapag nagbabasa ako ay ayaw kong iniistorbo ako. Pero dahil hindi ako nagbabasa ngayon, kinikilig nalang ako.
"Pinagpalit mo na ako diyan." Anito kaya napatingin ako sakaniya.
Sumandal siya sa bench na inuupuan namin. Ipinatong niya ang kaliwang binti sa kanang binti niya at pinagkrus ang braso sa dibdib.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "problema mo?"
"Wala."
Wala daw pero mukhang inis na.
"Okay." Sagot ko nalang.
Ang weird ko ngayon!
"Bakit hindi mo ako kinukulit?" tanong ni Asher sa'kin.
"Nagbabasa ako." sagot ko habang nakatuon pa din ang atensyon sa libro.
"Nagbabasa pero nakabaliktad yung libro." bulong nito at saka bumuntong hininga.
Nagulat naman ako sa sinabi nito at itinaas ang librong hawak ko.
"Oh diba." bulong nito.
"Hindi naman baliktad." sagot ko.
"Hindi mo yan titingnan kung nakabaliktad ba yan o hindi kung nagbabasa ka ba talaga." sagot niya at nanatiling nakatingin sa mga estudyanteng dumadaan.
Napahinga ako ng malalim at sinaraduhan ang libro.
"Bakit ba?" tanong ko at humarap na sakaniya.
"Si Jyrix kasi." bulong nanaman nito.
"Oh?" tugon ko.
"Tss. Hindi mo ba nahahalata? Ang sipsip eh."
"Yun lang?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Purket may gusto ka don?" tumingin na siya sa'kin.
YOU ARE READING
I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental Area
Novela Juvenil"I love you too from the bottom of my Hypothalamus"