Chapter 10

8 2 0
                                    

Syrsh

"Asher!!" Tawag ko nang makita ko siya sa Corridor ng Building namin.

Hinawakan ko agad ang braso niya bago niya ako ulit iwasan.

"Bakit mo 'ko iniiwasan, ha?!" Tanong ko sakaniya.

Pero tinitigan niya lang ako.

"May problema ba?"

Di pa rin niya sinagot kaya napabitaw nalang ako sa braso niya.

"Hindi kita iniiwasan." Imik niya.

Tiningnan ko lang siya.

Napabuntong hininga naman siya bago magsalita, "Busy lang ako."

"Miss na kita, lalake." Napatungo ako.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ang tanging naging sagot lang niya ay ang pagyakap sa akin.

"Ehem." Napabitaw naman agad si Asher at napalingon naman ako sa likod ko.

Si Jy pala.

"May sasabihin lang sana ako kay Shana." Sabi niya kay Asher.

"Garden." Bulong sa'kin ni Asher saka ngumiti kay Jyrix at nagtungo papuntang Garden.

"Hm. Hindi na kayo LQ ah. Bati na kayo?" Pang-asar niyang tanong.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata na naging dahilan ng pagtawa niya.

"Mali yung naggawa natin sa History and, dahil ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa grupo. Sayo ko na muna ipapagawa yun." Panimula niya.

"Pero.." madami pa akong gagawin..

"Wala na kasing oras, Shana."

"Madami pa akong gagawin."

"Ako din."

"Sa ibang mem nalang."

Hindi siya sumagot. Napabuntong hininga naman ako.

"Anong gagawin?" Tanong ko.

Inexplain niya naman yun.

"Salamat ah." Aniya.

"Ge. Alis na'ko." Paalam ko at tumalikod na.

"Hatid na kita."

Di ko naman siya pinansin at tumakbo nalang papuntang Garden.

Baka mawala nanaman yung lalaking yun e.

Nakita ko naman siyang nasa ilalim ng puno. Nakasandal at nakapikit.

"Asher!" Sigaw ko.

Nilapitan ko siya at dun ko lang napagtantong naka earphones pala siya kaya siguro hindi niya ako narinig.

I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental AreaWhere stories live. Discover now