Syrsh
"Alam mo ba, lagi kang hanap ni Jyrix sa'min kapag awasan na." Bungad sakin ni Gracey.
Nabanggit ko na nga din pala kay Gracey na crush ko si Jy.
"Eh? Wag mo nga akong paasahin diyan." Aniko.
"Totoo nga. Hm, lagi niyang tanong kung nasaan ka. Sa tingin ko may gusto nga yun sa'yo."
"Asa."
Andito kami ngayon sa library, nagbubulungan. Research namin ngayon at hindi kami pinayagan sa ComLab ngayon. Masiyado kasing magugulo kanina sa room kaya imbes na sa ComLab kami magsearch, dito kami sa library naghahanap.
"Bahala ka. Ayaw mo maniwala."
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Hays. Dapat nasa ComLab talaga kami ngayon eh. Nakakainis naman oh.
"Time na. Labas na tayo." Sabi ng president namin.
Walang bantay kaya naman malayang nakasigaw si Jyrix.
Pero kanina ay tahimik naman at walang nag-iingay. Mga nagbabasa din sila ng mga libro.
Nagsimula na silang lahat tumayo ngunit ako ay nanatili pa din na nagbabasa.
"Pst. Break na. Lika na sa Canteen." Aya sa akin ni Gracey.
"Mamaya." Tugon ko.
"Ano bang binabasa mo? Parang hindi naman yan yung pinapahanap sa'tin ni Ma'am Sumague."
"Hindi nga."
"Patingin nga." Tumabi siya sa'kin at sandaling nagbasa ng ilan sa nakasulat doon.
"Philippine History yan ah? Ang boring." Aniya.
Napatingin naman ako sakaniya at sinarado yung libro.
"Grade 6 ako nang magsimula kong gustuhin na malaman ang history ng Pilipinas. Na-inspire ako nun sa History teacher namin, ang galing niya kasi magturo. Simula noon ay naging favourite subject ko na ang Araling Panlipunan. At gusto ko na rin yung anything na related sa History. Ang ganda kaya ng mga babay noon at yung mga suot nilang saya. Maging yung pananalita nila, pure tagalog. At wala akong nakikitang kaboringan sa History. Okay?"
Agad akong tumayo at ibinalik yung libro sa sa pinagkuhanan ko nito kanina.
"Sorry naman." Sumunod sa'kin si Gracey patungo sa labas.
"Okay lang. May kaniya-kaniya naman tayong opinyon. Pero dapat pa din natin na pahalagahan ang kasaysayan ng Pilipinas." Nginitian ko siya.
"Ang haba ng sinabi mo eh." Natatawa niyang sambit.
Napatawa na rin naman ako.
Nang makadating kami sa canteen ay dumiretso agad kami sa inuupuan ni Jyrix.
"Saan kayo galing?" Takang tanong sa amin ni Jy.
"Sa library." Sagot ni Gracey.
"Bakit antagal niyo naman ata? Hindi ba kayo sumabay sa paglabas namin kanina?"
"Obviously not."
"Tsk. Sige. Oorder na ako. Ano bang gusto niyo?"
"Fries and milk tea." Sagot ni Gracey.
"Carbonara and Chocolate Frappe." Sagot ko, "libre mo?"
"Oo. Libre niyan." Sagot ni Gracey.
YOU ARE READING
I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental Area
Fiksi Remaja"I love you too from the bottom of my Hypothalamus"