Shana
Sino kayang nagsulat nun?
As if naman kasi na umamin yung mga yun kapag tinanong ko kung sino sakanila.
Wow, Syrsh ha? Ang ganda mo naman masiyado para mag-assume dun sa tatlong lalaki na gwapo ang nagsulat niyan. Kapal ng muks! -.-
Bahala na. Natripan lang siguro akong asarin nun.
At yun na nga ang mali kong akala.
Halos isang linggo na akong nakakakita ng note sa loob ng locker ko at nagpapakilala pa rin bilang Secret Admirer ko. At dahil gusto ko na rin malaman kung sino 'to. Pagtutuunan ko na ng pansin.Kinausap ko yun isa kong malapit na kaibigan, si Gracey, Gracey Sydro.
"Ceyyy! Kausapin mo na pleasee?" Pakiusap ko sakaniya.
"Shana. Ex ko nga kasi yun. Hindi ko kayang tanungin kung may iba na siyang nagugustuhan kasi nga diba.." lumapit siya sakin upang bumulong, "mahal ko pa."
Pinapakausap ko sakaniya si Mazz. Ex niya yun eh.
Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay Asher 'to e! Kasi suspect din siya, mahirap na.
"Please? Malapit nanaman birthday ko diba? Please please?" Pagpipilit ko.
"2 months pa." Sagot niya.
"Naman e." Napanguso nalang ako.
"Ano ba kasing meron?"
"Alam mo ba kung kanino 'tong sulat?"
Ipinakita ko sakaniya lahat ng note na natanggap ko.
"Hm.. Secret admirer ha! Pero don't worry. Hindi si MD (Mazz Drake) ang nagsulat niyan. I know his hand-writing, ye know. My instinct told me it's not his." Ngumiti siya.
Jyrix and Asher.
"Oh. Sige. Salamat ah!"
Tanggal na si Mazz. Si Asher at Jyrix nalang ang dapat kong i-confront. Buti naman at ka-close ko yung dalwang yun.
"Jy!" Tawag ko ng makita ko si Jyrix.
Lumingon siya at napangiti. Tumakbo siya papunta sa'kin.
"Oh bakit?" Bungad niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Pumayag naman siya kaya nagtungo muna kami sa Canteen. Lunch break naman e.
"Anong pag-uusapan?" Tanong niya.
"Pwede bang maisingit dito yung ex mo?"
Napataas ang isa niyang kilay bago tumango.
"Kuya Jy.. naka move-on ka na ba sa ex mo?" I asked hesitantly.
"I dunno." Nagkibit balikat siya.
"May nagugustuhan ka bang bagong babae?"
YOU ARE READING
I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental Area
Teen Fiction"I love you too from the bottom of my Hypothalamus"