Syrsh
Kanina pang text ng text sa'kin si Luhence. Nasa baba pa rin siya, sa labas ng bahay namin. Argh. He's drunk! At ayokong nakikipag-usap sa mga lasing -.-
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at paulit-ulit na bumabalik sa'kin yung sinabi ni Asher.
"Iloveyou"
"Argghhh!"
Para saan ba yun!?
Eh?! Ba't ako nagkakaganto? Ano naman kung nagsabi siya ng Iloveyou diba? E magbestfriend naman kami. Okayy. Uy! Wala akong gusto kay Asher ah!
"Oh?! Shana! Anong nangyayari?!" Rinig kong sigaw ni manang at binuksan ang pintuan ng kwarto ko kaya naman agad akong napaupo.
Nakauwi na pala sila manang.
"A-ah wala po manang. Nabagsakan lang po ako ng cellphone ko sa mukha." Pagsisinungaling ko.
Tsk! Hindi ako sanay ng nagsisinungaling e!
"Nako. Bumaba ka muna." Ani manang.
"Bakit po?"
Posible kayang pinapasok na ni manang si Luhence? Wag naman sana!!
"Basta. Halika na. Baba na."
Kinuha ko muna yung cellphone ko at sumunod naman ako kay manang. Kung pinapasok niya si Luhence, di ako mag-aalinlangang bumalik sa kwarto ko!
Pagkababa ko, nakita ko na nga dun ang kambal, si Luhence... Si mom at dad.
P-paanong?
Nakatingin silang lahat sakin.
Ayoko.
Babalik na sana ako sa kwarto ko nang tinawag ako ni daddy.
"Shana."
Napatigil lang ako at iniintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"Come here. Didn't you miss your mom and dad?"
I don't.
Napansin siguro ni mommy na hindi ako naimik.
"Shana. Your dad is talking to you."
The hell I care.
"Shana." Naramdaman kong hinawakan ako ni manang.
"I don't want to talk to them." I said.
I know they heard what I said.
"Kailangan mong intindihin ang mga magulang mo anak. Masama ang magtanim ng sama ng loob." Ani manang.
Ugh fine.
Nagpatuloy ako sa pagbaba at umupo sa bakanteng upuan.
"Kamusta na kayo?" Tanong ni Dad.
Dad talking to me and Luhence. Referring to our relationship.
"Maayos naman--" pinutol ko ang kasinungalingan ni Luhence. "Wala na po kami."
Luhence knows I don't want to disappoint my parents so maybe that's why he'll tell a lie... Sana.
"Oh? Anong nangyari?" Tanong naman ni daddy.
Hindi ako sumagot. Samantalang nakita ko si Luhence na ngumiti lang kay daddy.
"Shana" tawag sakin ni daddy.
YOU ARE READING
I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental Area
Dla nastolatków"I love you too from the bottom of my Hypothalamus"