Syrsh
"Mom! Gising na kasi!" Inuga-uga ko pa si mommy.
Kanina ko pa siya ginigising. Ayaw pa din bumangon. Mamayang gabi na yung flight niya pabalik saNew Zealand.
"Anak naman. 4 am palang oh." Ani mommy na nakapikit pa din.
"Maaaa!!!" Napatingin naman ako sa may pinto.
Ginising ko na yung kambal, oo HAHA. Nakapagbihis na rin sila.
"Oh?" Napaupo naman bigla si mommy.
"Hihi. Hi mommy! Bihis ka na po!" Sambit ni Sophie.
Nakataas ang kilay ni mommy nang tumingin sakin.
"Dali na Mom." Ani ko.
"Ano bang meron?" Tanong ni mommy.
"Eh diba... Aalis na kayo later? Hm.. Sabihin nalang natin na bonding na din." Ngumiti ako.
"Hm sige. In one condition! Isasama mo yung Asher na yun." Tinaas-baba ni mommy yung kilay niya.
"Lah mom. Baka busy yun."
"Oh ah sige. Tutulog na--"
"Oo naa! Tatawagan na." Aniko nang biglang hihiga nanaman si mommy.
"Tawagan mo na. Loudspeaker ha." Sabi ni mommy.
Sinimulan ko nang i-dial ang number ni Asher at ni-loudspeaker agad.
Tatlong ring palang ay sinagot na niya agad.
Aga talaga nito gumising.
[Ow?]
"Ahm. May gagawin ka ba ngayon?"
[Wala naman. Mag-isa nanaman ako dito sa bahay ngayong buong araw. Bakit?]
"Lalabas kami ngayon eh. Mamaya na flight ni mommy diba? Gusto niya kasama ka."
Nag-pout naman ako nang makita kong magsmile si mommy.
[Weh?]
"Uh. Yes iho." Si mommy yan.
YOU ARE READING
I Love You From The Bottom of My Ventral Tegmental Area
Teen Fiction"I love you too from the bottom of my Hypothalamus"