Chapter 23

85 17 0
                                    

Ram's POV:

**Bus terminal

Kasalukuyan akong nandirito sa terminal ng bus dito sa may cubao,papuntang Batangas.Ngayon kasi ang team building ng call center company na pinagtatrabahuhan ko.

Alas diyes na ng gabi,pero wala pang dumarating na bus na may byaheng pa batangas.Marami na kaming mga pasahero na nagaantay dito sa terminal.May mga nagiinit na ang ulo.Yung iba naman napipilitan nang umalis na lamang sa terminal na ito para maghanap ng ibang masasakyan.

Naiinip na rin ako.Marami na rin akong natatanggap na mga text at tawag mula sa mga katrabaho ko na nauna na sa batangas,nagpahuli kasi ako dahil dinaanan ko pa ang letcheng Tristan na yun.Kung umasta nga ang isang yun kanina akala mo may ibubuga sa akin,e hamak naman na mas malakas ako sakanya at sya?lalampa lampang totoy.Hindi ko na dapat pag aaksayahan ng panahon ang mokong na yun pero kailangan kong siguraduhin na ang pag aari ko ay akin lamang.Hindi ako papayag na maagaw nya sa akin si Lyrics.

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.Naalala ko na ngayon gabi rin pala ang gig nya sa foodpark kasama ang ilang sikat na mga banda dito sa Pilipinas.Tatawagan ko sya ngayon para kumustahin.Pinuntahan ko sa speed dial ang pangalan at number nya at agad itong dinial.

"The number you dial is out of coverage area.Please try your call later."

Makailang beses kong tinawagan si Lyrics,pero hindi ko sya macontact.Marahil walang signal ang  venue na pagpeperforman nya.

Minabuti ko na lamang na itago muli  ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.Pinagala ko ang aking mata at napansin na wala pa ring dumarating na mga bus.Nag antay pa ako ng mga ilang minuto at ng wala na talaga akong makitang pag asa na may darating pa na bus,nagpasya na akong lisanin ang terminal na ito.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kasalukuyan akong nasa byahe papunta sa foodpark.Sosorpresahin ko na lamang si Lyrics,Nagtext na rin ako sa mga katrabaho ko na hindi na ako makakasama sa team building dahil sa kawalan ng masasakyan papuntang batangas.Nung una ay pinipilit pa rin nila akong sumunod duon pero kalaunan ay nakumbinsi ko na rin na sa susunod na team building na lang ako sasama sa kanila.

Mabilis ang naging byahe ko mula cubao hanggang dito sa foodpark,tantya ko hindi tumagal ng 30minutos ang naging takbo ng sinasakyan kong taxi.

Pagkababa ko ng sasakyan,napansin ko agad na may kalakasan na ang pagpatak ng tubig mula sa kalangitan.Nagmadali akong naglakad patungo sa kung saan naroroon ang backstage na kinalalagyan ni Lyrics.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad ng biglang lumakas ang ulan.Napansin ko rin na nagsisipag silong ang mga taong nandirito sa foodpark,narinig ko rin ang host ng event na ito na ititigil na muna nila ang lahat ng performance ng mga bandang kasali sa kadahilanang sobrang lakas ng ulan.

Patakbo na akong naglalakad,at kung mamalasin ka nga naman,kailangan sabay sabay?una?walang bus pa batangas tapos ngayon naabutan pa ako ng malakas na ulan.Nakakabadtrip talaga.Inis akong nagpatuloy sa paglalakad.

Basang basa na ako ng ulan ng makarating ako sa backstage.Napansin ko na nakatent ang karamihan dito,saan kaya nag stay si Lyrics at Roan dito?Naglakad lakad ako at kahit hindi ko alam ang eksaktong kinaroroonan ng girlfriend ko ay nagpatuloy ako sa pag hahanap,sinisilip ko ang loob ng mga nadadaanan kong tent.Patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan.Bahagya akong tumigil sa aking paglalakad para kuhanin ang cellphone ko sa bulsa ko.Mabilis kong Dinial ang number ni Lyrics.Nagring naman na ito agad.

"Hello.."-sya

"Babe?where are you?nandito ako sa backstage?puntahan kita."-ako

"Really?Ako na lang ang pupunta sa kinalalagyan mo.Palabas na rin kami ni Roan."-sya

Broken Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon