Hikari's POV:
**McLibee Coffee Shop
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa dining area ng shop,alas singko na ng hapon at halos hindi kami dinadayo ng mga customer.Magmula ng magbukas kami ni Miguel kaninang 9am hanggang ngayong oras na ito hindi bababa sa apat ang pumasok dito sa shop yung isa pa nga nagtanong lang kung saan ang plaza.
Natatanaw ko naman dito sa loob na maraming tao ang nasa labas.Halos puro kabataan ang nakikita ko.Puro nakaputing tshirt sila na akala moy may lamay o libing na dadaluhan.May okasyon ba?May iilan din akong nakikita na may face paint na kulay puting guhit yung parang sa mga indian na may ibat ibang kulay ganun ang hitsura nila tapos may nakalagay sa tshirt nila na #Freedom.October naman ngayon at hindi June kung saan sine-celebrate ang araw ng kalayaan.Anyare?Nabago na ba?
"Pancake?sinong tinitignan mo dyan?"-Miguel
Pagkasabi niyan ni Miguel ay napatingin ako sakanya,umupo naman sya sa upuan na nasa harap ko.
"Tignan mo kasi,ang daming tao sa labas pero ni isa walang pumupunta dito sa shop para mag kape.Tatlo palang benta natin."-ako
Tumingin naman sa labas si Miguel.
"Oo nga.Ngayon siguro yung event na #freedom."-Miguel
"Ano ba yun?Independence day ba ngayon?kanina ko pa yan nakikita sa mga tshirt nila."-Ako
"Hindi.Founding aniversary kasi ngayon ng City na ito.Kaya nag organize ang City Locals ng free concert ngayong hapon."-miguel
"Ganun ba?infairness Honeyfudge ang tsismoso ha."-ako
Tumingin naman ulit sa akin si Miguel.Nagpapacute.
"Hindi ako tsimoso pancake.Nabasa ko lang yan sa papel na binigay nung taga baranggay na may event nga daw ngayon at iniinvite ang lahat ng mga estbalishimento na nandito sa paligid ng plaza na makiparty sakanila.Nakalagay din duon na till 5pm lang dapat mag ooperate ang lahat ng establishement na malapit sa darausan ng event.Ang hindi susunod may penalty mula sa Cityhall ng 8000 pesos."-Miguel
"Ayy ang bongga naman nun..Bakit tayo?malapit naman tayo sa plaza ah bakit hindi tayo nasabihan?"-ako
"Nasabihan tayo kaya nga nabasa ko e."-Miguel
"Ahh nasabihan naman pala tayo e."-ako
"Yup!Pancake!"-Miguel
Napaisip ako sa sinabing iyon ni Miguel.Kung nasabihan kami ay bakit hanggang ngayon open pa rin kami?Napatingin ako sa orasan,5:30pm na.Kinabahan ako.Tumingin ako ulit kay Miguel.
"Nabasa mo ba talaga?"-ako
"Oo..Nilagay ko pa nga sa drawer ni Manager Asher yung envelope na nilalagyan ng sulat e."-Miguel
"Ahhh....!"-ako
Tinitigan ko naman ng masama si Miguel.
"O?bakit ganyan ka makatingin sa akin?may mali na naman ba akong nasabi sayo pancake?"-Miguel
"Tignan mo yung oras at tignan mo yung mga nakalagay na print sa tshirt ng mga taong nandiyan sa labas."-ako
Sumunod naman sa sinabi ko si Miguel.
"Ano bang meron pancake?5:35pm na at #freedom day ngayon.Anong problema?"-Miguel
"May malaki tayong problema kapag hindi natin naisara ang shop na ito sa loob ng 5minutes!!!Diba sabi mo till 5pm lang ang dapat open ang mga establishment dito sa paligid ng plaza at kapag hindi sumunod may penalty na 8000!!!May pera ka bang ganon?!!"-ako
Nanlaki naman ang mata ni Miguel sa sinabi ko.Halos sabay kaming napatayo mula sa kinauupuan namin.
"Shit!Ngayon pala iyon!Bakit ko ba nakalimutan!!Bakit hindi mo pinaalala pancake!!!"-Miguel
BINABASA MO ANG
Broken Promises (COMPLETED)
RomansPangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinanga...