Chapter 26

81 15 0
                                    

Tristan's POV:

Ang nakalipas 'di na binalikan
Mula nang ang puso'y labis na nasaktan
Naghilom lubusan nung nanahimik lang
Ngunit ano itong naririnig ko na naman

'Di nawawala 'di naaalis sa isipan ko
'Di nawawala 'di naaalis pag-ibig sa'yo
Kahit kay tagal walang kapalit ang katulad mo
'Di ba tadhana ito bakit bumabalik sa'yo

Sa dulo sana tayo pa rin
Nananalig at 'di mamadaliin
Dahil kung para sa'tin
Dun tayo dadalhin
At kung 'di man mawala at 'di maalis
'Di mo man alam ika'y iibigin

Natapos akong umawit.

"Tama bang takasan natin ang realidad?"-ako

Nandirito kami ngayon ni Lyrics sa rooftop ng isang lumang condominium dito sa Rizal.Isang kaibigan ang nagmamay ari ng building na ito.Nakatayo ang lugar na ito sa palibot ng nagtataasang mga bundok.Napakalamig ng simoy ng hangin dito,saktong sakto para maibsan ang lahat ng sakit na naranasan namin ni Lyrics sa lungsod.

"Bakit?Tris?nagsisisi ka ba na tumakas tayo?"-Lyrics

Kasalukuyan kaming nakatanaw sa malawak na tanawin mula dito sa rooftop.Tanaw na tanaw namin ang mga lungsod sa paanan ng bayan ng Rizal.Nagiisip sa kung ano ang mangyayari sa amin sakaling matapos na ang buong magdamag.

"Wala akong pinagsisisihan.Naiisip ko lang yung mga taong nasasaktan sa ginawa nating ito."-ako

"Ganun din naman ako e.Inaalala ko si Ram.Alam ko sa ginawa kong ito maaaring tuluyan na kaming magkasira."-Lyrics

Tumingin ako kay Lyrics.Nakatingin pa rin sya sa malayo.

"Bakit ka sumama sa akin?"-ako

Bahagyang napayuko si Lyrics ng itanong ko sakanya iyon.

"Di ba may kasabihan tayo na kung nasaan ang kaligayahan mo sundan mo."-Lyrics

Inalis ko ang pagkakatitig kay Lyrics at muling tumingin sa kawalan.

"Paano kung yung kaligayahan mo na yun ay ang magiging kalungkutan mo rin?"-ako

"Handa ako sa bagay na yun.As long as nagawa ko yung bagay na kahit kailangan hindi na maibabalik sa akin ng kahit anong bagay o ng kahit sino."-Lyrics

Napabuntong hininga ako sa narinig kong iyon.Ang alam ko lang masaya ako ngayon.Bahagya kong iniyuko ang aking ulo.

"Ayos ka lang ba Tris?mukhang kailangan na nating linisin ang mga sugat mo.?"-Lyrics

"Ayos lang ako..Kaya ko itong tiisin.Ayokong sayangin ang mga minuto at segundo na kasama kita.Titiisin ko lahat ng kirot maging kunpleto lang sa isipan ko ang litrato ng pagsasama natin ngayon.Sa isipan ko lang kasi ito maitatago sakaling dumating na tayo sa puntong kailangan na nating muling lisanin ang isat isa."-ako

Nasabi ko ang mga salitang yan ng hindi tumitingin kay Lyrics.Nanatili kasi akong nakayuko.

"Hindi ko rin sasayangin ang maikling pagkakataon na kasama kita."-Lyrics

Sa pagkakataong ito muli kong tinignan si Lyrics na sa mga oras na ito ay nakatingin rin sa akin.

May luha sa kanyang mga mata.Ang kanyang kaliwang kamay ay nakatakip sa kanyang labi.Tanging mga hikbi lamang  ang naririnig ko mula sa kanya.

"Bakit ka naman umiiyak?simula kanina hindi ka pa natitigil?Baka maubusan kana ng tubig sa katawan nyan."-biro ko

"Nakakainis ka kasi e.Pinaiiyak mo ko."-Lyrics

Broken Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon